The Soldier & I Book 2 AiTenshi June 27, 2018 Kinalabit ko ang gatilyo ng baril at sumibat patungo sa kanya ang bala. "Sapul!" ang muli kong sigaw sa aking sarili nag bigla siya umiwas at nag tambling pa ang loko. Humarap siya sa puno kung saan ako naroroon at mabilis siyang nag tatakbo patungo sa akin. Agad kong kinuha ang aking armas at noong aktong pababa na ako sa puno ay nakita ko na siyang umaakyat na parang si the Grudge patungo sa akin. "Lagot ka sa akin.." ang wika niya habang marahang gumagapang sa sanga kung saan ako naroroon. Chapter 10: Mga kalabang baliw Ibayong kaba ang aking naramdaman at kasabay noon ang pangingilabot ng aking balat dahil sa kakaibang bahong nakapaligid sa kanya. Mukhang kumapit yata ang amoy ng kanyang utot sa kanyang damit kay