Chapter 44: Misyon ng Pag kabigo

2169 Words

The Soldier & I Book 2  AiTenshi Aug 22, 2018   Tumilapon ang katawan ni Bryan habang hawak niya ang brasong bakal ni Palma. Naputol ito dahil sa lakas ng pag sabog. Batid kong tinamaan ito!   "Pero tinamaan rin yung asawa mo!" ang sigaw ni Ed sabay takbo sa kinaroroon ni Bryan na noon naka handusay sa lupa.   Chapter 44: Misyon ng Pag kabigo   "Bryan!!" ang sigaw ko habang pilit na tumatakbo patungo sa kanyang kinalalagyan.   Dito ko napansin na matinding pinsala ang natamo ni Bryan mula sa pakikipag sagupaan sa kalaban. Pakiwari ko ay wala na rin ang epekto ng potion na kanyang ininom dahil bumalik na sa dati ang porma ng kanyang katawan. Ang kanyang dibdib ay puro tama, ang mukha ay puro pasa at dugo, ang kanyang kamao ay halos mabali dahil may nakalabas nang buto dito.  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD