NAPAKA-SUPPORTIVE ni Lhorde sa lahat ng hirit ni Raven dito. Dahil nang makarating sila sa Myeongdong, humirit pa siya na magpababa sila sa isang pamosong tourist spot doon. Halos magningning pa ang kaniyang mga mata nang makita ang kaniyang pakay na lugar. Habang si Lhorde naman ay bakas ang pagtataka sa guwapo nitong mukha. “Ano’ng maganda sa lugar na ‘to, love? Para namang walang kakaiba bukod sa mga bahay na narito.” Itinuro pa ni Raven ang isang malaking bahay na may dalawang palapag. “‘Yan ang gusto kong makita.” Hindi alam ni Lhorde kung mangingiti o ano sa sinabi ni Raven. “‘Yang bahay na ‘yan? Bakit?” “Basta,” aniya na hinawakan na ang camera at kinuhanan ng magandang anggulo ang sikat na bahay na iyon. Dahil ang bahay na iyon ay walang iba kung ‘di ang pamosong filming loc