“BIBILI LANG ako ng maiinom natin sa labas,” paalam muna ni Renzo sa kaibigang si Lhorde. “Ikaw ang bahala,” tugon sa kaniya ni Lhorde na nakay Raven lamang ang atensiyon. Tinapik pa niya ang kaniyang kaibigan sa balikat. “Mamaya, siguradong magigising na rin si Raven,” pampalakas pa niya sa loob ng kaniyang matalik na kaibigan. “Mag-relax ka na muna, Lhorde. Babalik din agad ako.” Napabuntong-hininga pa si Renzo nang makalabas siya sa private room ni Raven. Bakas na bakas sa kaniyang kaibigan na si Lhorde ang sobrang pag-aalala nito sa nobya. Kaya nang tawagan siya nito kanina ay ura-urada siyang pumunta sa ospital na kinaroroonan ng mga ito para masamahan niya ang kaniyang kaibigan. Sakto naman na pagkalabas niya sa silid ni Raven ay may paparating naman na doctor na may kasamang nu