“MOM, please, tell me. Ayaw kong sa huli, malalaman ko na may kinalaman ka na naman sa pagkawala ni Raven. Patatawarin kita sa unang beses. Pero sa pangalawa, hinding-hindi na. Lalo na kung hindi mo aaminin sa akin agad,” ani Lhorde sa kaniyang Mommy Berenice nang makauwi ang mga ito galing sa Japan. Nasa isang pribadong silid silang dalawa. Hindi rin naman alam ng kaniyang ama ang ginawa ng kaniyang ina noon kay Raven. Dahil baka magalit ito sa kaniyang ina kapag nalaman pa nito. “Hanggat maaari, ayaw ko ng ipaalam pa kay Daddy kung ano ba ang ginawa ninyo noon kay Raven.” “Lhorde, anak. Hindi ka ba talaga naniniwala sa sinasabi ko na wala akong kinalaman sa pag-alis ni Raven? Kauuwi lang namin ng ama mo galing Japan.” “Ano ho ba ang malay ko? Masyado kayong matinik. Lahat, kaya ninyo