Chapter 46

1205 Words

“HIJA, MUKHANG ikaw ang Raven na hinahanap sa balita?” Kumibot ang mga labi ni Raven nang mapanood ang naturang balita sa TV. Hinahanap na siya ni Lhorde. Siguro dahil bigo ito na makita siya kaya naman nagpatawag na ng press conference ang mga ito. “Ako nga po,” aniya kay Ginang Mariya na pansamantala niyang tinitirhan. Nang mga sandaling iyon ay pansamantala siyang nakikituloy sa mabait nilang kapitbahay sa lugar na iyon sa dati niyang tinitirhan. Hindi kasi siya makapunta basta-basta sa bahay ng mga magulang niya dahil naninirahan pa rin doon ang kaniyang madrasta na si Patricia at si Olivia na may dalawa na ring anak ngunit walang asawa. Magkaiba rin ang ama ng dalawang bata. Saktong dating niya sa lugar na iyon nang makita niyang may nakalagay na karatula sa labas ng gate nila na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD