“SAAN ba tayo pupunta? Bakit kailangan pa ng blindfold?” reklamo ni Raven kay Lhorde na buong ingat siyang inaalalayan sa paglalakad. “May surprise lang sina Mommy at Daddy para sa iyo. Tiis lang ng kaunting sandali, love,” ani Lhorde sa kaniya. Surpresa? Napalunok siya. Ano naman kaya iyon? Masyado na siyang nalulunod sa mga surpresa at mga regalong ibinibigay sa kaniya ng mga magulang ni Lhorde. Simula kasi nang malaman ng mga ito na buntis na siya, literal na tuwa ang mababakas sa mukha ng mga magulang ng kaniyang asawa. Lahat ng gusto o kahit hindi niya gusto ay ibinibigay ng mga ito. Mas naging madalas din ang pananatili ng mga ito sa Ellison Mansion. Bagay na ikinatutuwa ni Lhorde dahil kumpleto ang pamilya nito. Ngayon, walong buwan na ang kaniyang tiyan at sa susunod na buwan