“HINDI PA rin ako makapaniwala na sa lalong madaling panahon nga ay ikakasal tayo,” hindi napigilang wika ni Raven kay Lhorde nang makarating silang dalawa sa loob ng silid nito matapos makausap ang mga magulang nito. “Totoo ba talaga? Hindi nag-jo-joke ang Mommy mo?” Umiling si Lhorde. “Hindi nag-jo-joke si Mommy, love. Gusto niya na magpakasal talaga tayo sa lalong madaling panahon. Ayaw mo ba? May gumugulo ba sa isip mo?” Bumuntong-hininga si Lhorde. “O baka naman masyado kang na-pe-pressure?” “Hindi lang talaga ako makapaniwala. Hindi rin naman dahil sa ayaw kong magpakasal tayo.” Hinapit ni Lhorde ang kaniyang baywang. “Kung ako ang tatanungin,” anito nang yukuin siya. “Kahit bukas o mamaya, pakakasalan kita.” “Hindi ka magsisisi? Love, may oras ka pa para magbago ang isip mo.” T