Latrisse’s Point of View
Pauwi na ako galing kina Summer. Medyo sumakit ang ulo ko kakabigay sa kanya ng advice, kaya sana ay maresolba na ang problema nila ni Alexander. I only want nothing but their happiness. At first, tutol ako sa relasyon nila dahil alam ko kung anong klaseng lalaki si Alexander, but I was wrong about him. At isa pa, nakikita kong masaya si Summer sa kanya kaya susuportahan ko na lang ang relasyon nilang dalawa.
I am such a love guru, yet I couldn’t apply those things to myself. Dahil liban sa wala akong natitipuhang lalaki ay abala ako sa pagpapalago ng start-up business ko. My parents initially wanted me to inherit our company, but I refused, dahil ang kapalit no’n ay ang kalayaan ko. Gusto nila na kapag minana ko ang kompanya ay sila ang pipili ng mapapangasawa ko, which I strongly disagree.
Why would I let them choose the man I’ll marry, right? I’d rather be disowned than be controlled.
Lately, pansin kong nagiging agresibo na sila sa pag-set up sa akin sa mga blind date na ‘yan. If it weren’t for Summer, baka nabaliw na ako kaka-meet up sa iba’t ibang lalaking sini-set up ng mga magulang ko sa akin. Nakakainis na. Nakakaubos na ng pasensya.
Isang set-up pa sa akin at sasabog na talaga ako. Pinipigilan ko lang ang sarili ko ngayon dahil nirerespeto ko sila bilang mga magulang ko. Mahal ko sila, and I’d do anything for them, but not that one. That is the only thing I can’t do for them.
Nang makarating ako sa bahay ay bahagya akong natigilan nang mapansin kong may tatlong itim na sasakyan ang naka-park sa labas mismo ng gate namin. May bisita ba kami?
Dumiretso lang ako sa garahe. At ewan ko ba, pero tila iba ang ihip ng hangin sa bahay. It’s unusually quiet. Oftentimes, kapag may bisita kami ay maingay. Umaalingawngaw ang tawanan at usapan.
Maybe they’re in the pool area.
Habang naglalakad ako papunta sa main entrance ng bahay ay nakatingin lang ako sa screen ng cellphone ko dahil nagbabasa ako ng importanteng emails na related sa negosyo. Pagbukas ko ng pinto ay napapitlag na lang ako nang sumalubong sa akin ang maraming kalalakihang nakasuot ng itim na amerikana. Sa gulat ko ay nabitawan ko ang cellphone ko.
“W-Who are you?” bulalas ko saka iginala ang aking mga mata at nakita ko sina mom and dad na nakaupo sa sofa. They looked anxious and scared. Their eyes are telling me that we have unwelcomed guests.
“Good thing she’s here.” Nanindig ang balahibo ko nang marinig ko ang malalim na boses ng isang lalaki. His voice was a mixture of danger and mystique. At nang sundan ko ang pinagmulan nito ay nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa katapat na sofa ng mga magulang ko.
Nakapatong ang siko niya sa armrest ng upuan habang salo ng likod ng palad niya ang kanyang detalyadong panga. His deep, piercing eyes were staring at me with such intensity. Nanunuot sa balat ang diin ng kanyang mga titig. Tuwid ang labi nito habang bahagyang nakakunot ang noo, dahilan para halos magtagpo ang malalago nitong mga kilay. He also has this intimidating aura that shouts nothing but danger.
Nag-iwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko’y malulunod ako. Huminga ako nang malalim para pakalmahin at ayusin ang sarili ko. Binalingan ko ang aking mga magulang na kanina pa walang imik, “Mom, dad, who are they?”
“H-Hija...” Dad’s voice was low and shaky. Unang beses ko siyang marinig na gano’n. He usually sounds so firm and full of authority—like an alpha of a pack of wild wolves. Pero ngayon, tila’y nabahag ang kanyang buntot marahil sa lalaking nasa harapan nila.
“Pack your bags, woman,” pagsabat ng lalaki sa usapan namin. Umayos siya ng upo saka ako pinagmasdan mula ulo hanggang paa. “I’m taking you home with me.”
“Excuse me?” Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko nagustuhan ang tono ng pananalita niya na para bang isa akong bagay na dinaanan niya lang sa mga magulang ko para kunin. “Why would I go with you? I don’t even know you.”
“Does it matter?” aniya. “You don’t have to know me.”
Hindi ko siya pinansin. Binalingan ko ang mga magulang ko. I looked at them with wondering eyes. “Mom, dad, explain this.”
“Your parents sold you to me, little Yapchengco,” muling pagsabat ng lalaki saka ito tumayo. Bawat pagtama ng takong ng balat niyang sapatos sa marmol naming sahig ay umaalingawngaw sa buong living room.
“S-Sold?” Kumunot ang aking noo. Muli akong tumingin sa mga magulang ko. This time, gulong-gulo na. “Anong sinasabi niya?”
“H-Hija...” Tuluyang lumapit sa akin ang aking ina at biglaan na lang akong niyakap nang mahigpit. “I’m sorry...I’m sorry...”
“S-Sorry?” Marahan ko siyang inilayo sa akin. Halos magtagpo ang mga kilay ko habang nakatingin sa nanunubig niyang mga mata. “Anong sinasabi mo, mom?”
“Fúck this family drama,” rinig kong komento ng lalaki kaya masama ko siyang tiningnan. I was hoping I could scare him with my eyes, pero ako ang tumiklop nang walang takot niyang sinalubong ang mga mata ko. His deep, blue eyes looked at me fearlessly.
“W-We haven’t agreed yet, Mr. Thornwell,” nauutal na sambit ng aking ina.
“Does it matter? You’ll end up giving her away anyway,” walang pakialam nitong sagot.
“Agreed on what, mom?” Hindi ko na napigilan ang iritasyon sa boses ko. Ginagawa nila akong tanga. I don’t want to feel so dumb and clueless. “Ipaliwanag n’yo sa akin ang sitwasyon.”
“You’ll serve as their payment for their debt,” pagsagot ng Thornwell na ‘yon, kaya napatingin ako sa kanya.
“Debt?”
Sinenyasan niya ang isang tauhan niya at may ibinigay itong isang envelope sa akin.
“That’s the record of your father’s debt, woman.”
Kunot-noo kong binuklat ang envelope at binasa ang nakalagay roon. At nanlaki na lang ang aking mga mata nang makita ang halagang naroon. And it wasn’t just a mere record. It was legally notarized!
“Php 750,000,000?” Napakurap-kurap ako. Hinarap ko ang aking ama na ngayon ay hindi na makatingin sa akin. “Dad, paano ka nagkautang nang ganito kalaki?!” Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. Mas lalo akong naguluhan.
“Well, since it looks like you won’t get an answer from him, let me do it for you,” sambit ng lalaki sa akin. “Based on your reaction, you’re probably not aware that your beloved parents have been gambling for years now.”
“G-Gambling?” Mas lalong kumunot ang noo ko. “Hindi nagsusugal ang mga magulang ko!”
“That’s what they made you believe, little girl,” sarkastikong sagot niya. “If you want proofs, I’ll give you all the footages you need just so you’d be convinced,” dagdag niya saka binalingan ang mga magulang ko. “Now, you better talk to your sweet, little princess about our deal or...I can just take your shares from your company. How about that?”
“W-Wait...” Agad na napatayo ang aking ama. “L-Let me talk to her,” aniya saka lumapit sa akin. “Hija, come with me for a second...”
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaskyon ko. Hindi ko inaasahan na ganito ang bubungad sa akin pag-uwi ko.
“Dad, totoo ba ‘yong utang na ‘yon? Totoo ba na nagsusugal kayo?” sunod-sunod kong tanong nang makalayo kami. I am trying my best to calm down and keep myself composed while trying to digest all of the things I’ve heard just a few minutes ago.
“Hija...”
“Answer me dad!” Napagtaasan ko na siya ng boses dahil sa prustrasyong nararamdaman ko.
“Y-Yes,” mahinang sagot niya. “Totoo ang lahat nang ‘yon.”
“Totoo rin ba na inalok n’yo ako bilang kabayaran?” mahinahon kong tanong kahit na sa kaloob-looban ko ay gusto ko nang sumabog.
“N-No. It was Mr. Thornwell who proposed the idea.”
“Kung gano’n, let’s just pay your debt. I have a hundred million emergency fund, I can lend it to you,” suhestiyon ko, pero mas lalo lang nawalan ng lakas at buhay ang kanyang mukha. Iniwas niya ang kanyang tingin sa akin, kaya hindi ko mapigilan ang kabahan. “D-Dad, don’t tell...”
Marahan siyang tumango. “W-We no longer have any money left in our bank accounts, Latrisse. Your mom and I have spent it in the casino, hoping we could win back the money we lost, but...”
Natutop ko na lang ang bibig ko saka ako napahakbang palayo sa kanya. “No...No...I don’t believe you.” Umiling-iling ako. Naninikip ang dibdib ko sa nalaman. I feel like a fool. “I don’t believe that you lost Php 750,000,000 in gambling. That’s too much!”
“I-It’s an accumulated debt with interest,” pagtatapat niya sa akin. “I’m sorry, hija. I...”
“Oh my God, dad...” Natakpan ko na lang ang bibig ko. I looked at him with disbelief. “Kailan pa kayo nagsusugal ni mommy?”
“M-Matagal na. We nearly sold all of our properties just to pay our debt, but—”
“What?!” Umalingawngaw ang malakas kong sigaw sa buong bahay, at paniguradong narinig din ‘yon ng mga tao sa may living room dahil dali-daling pumunta si mommy.
“Latrisse...”
“Mom!” Hinarap ko siya. “How could you let this happen?!”
Hindi siya nakasagot. She looked just as guilty as my dad.
“Don’t tell me those luxury bags you sold...” panimula ko nang maalala ko ang mga bag na binenta niya dahil balak daw niyang mag-donate sa charities.
“Hija...”
Tuluyan akong napaiyak sa nalaman ko. Nilamon ako nang labis na pagkadismaya. “Y-You lied to me...” mahinang sambit ko. “Ginawa n’yo akong tanga ni dad!” sigaw ko. At natigilan ako nang may napagtanto.
“W-Wait...” Tiningnan ko silang dalawa. “Don’t tell me kaya atat na atat kayong ipakasal ako sa kahit na sinong anak ng mga mayayamang kakilala n’yo dahil iniisip n’yong mababayaran n’yo ang utang n’yo gamit ako?”
Hindi sila sumagot sa akin, pero kanya-kanya silang iwas ng tingin. That alone was enough to shatter me into pieces. Napaupo na lang ako sa sahig habang tinatakpan ng dalawang palad ang aking bibig para pigilan ang mga paghikbi ko. Hindi ako makapaniwalang magagawa nila ‘yon sa akin. Hindi ako makapaniwalang naisip nila akong solusyon sa problemang sila naman ang gumawa.
“A-Anak n’yo ako...” naibulalas ko na lang habang umaagos ang mga luha ko. “I...I am not a property you can just sell anytime, mom, dad...” Hindi ko na napigilan ang mga paghikbi ko. Durog na durog ako sa nalaman. Hindi ito ang inaasahan kong sasalubong sa akin sa pag-uwi ko.
“Anak...” Sinubukan akong lapitan ng aking ina pero hinawi ko siya palayo sa akin. “We don’t have a choice. We can’t lose the company...We...”
“Company? Paano naman ako?!” sigaw ko. “You could lose me! You’d lose me, mom, dad! Mas mahalaga pa ba ang kompanya n’yo kaysa sa akin?!”
Hindi sila kumibo, kaya mas lalo akong nasaktan. Their silence just made me realize my value to them.
Nanginginig ang mga labi ko. Nanlalabo ang aking paningin dahil sa dami ng luhang namumuo sa aking mga mata. Tiningnan ko sila nang puno ng sakit at pagkadismaya.
“I...I hate you,” mahinang sambit ko at tiningnan silang dalawa—isa-isa. “A-All my life I did everything you asked me to, kasi gusto kong maging proud kayo sa akin; dahil gusto kong ipagyabang n’yo rin ako, but...” Ikinuyom ko ang magkabilang kamay ko. “...I was never a daughter in your eyes. I...”
Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko saka ko sila tiningnan nang puno ng galit at sakit. “S-Sana hindi na lang kayo ang naging magulang ko. S-Sana hindi na lang ako ipinanganak sa putánginang pamilyang ‘to!”
“Hija...” Sinubukan akong lapitan ng aking ama pero tinampal ko ang kamay niya.
“Stay away from me!” singhal ko at masama siyang tiningnan. “I hate you, dad. I hate you!” sigaw ko sa kanya. “Sana hindi na lang ikaw ang naging ama ko!” Hindi ko lubos maisip na masasabi ko ‘yon sa kanya. Napuno na ako. Sagad na sagad na ang pasensya ko. Buong buhay ko ay hinayaan ko siyang diktahan ako. Pero hindi ko lubos akalaing aabot sa puntong ilalako niya ako na para bang isa akong panindang pwede lang bilhin ng kung sino.
Kita ko kung paano siya matigilan sa sinabi ko. Namilog ang kanyang mga mata saka siya napangiwi habang hawak-hawak ang kanyang dibdib at bigla na lang siyang bumagsak sa sahig habang tila namimilipit sa sakit.
“Richard!” agad siyang sinaklolohan ni mommy. “Richard!” Mabilis na tumingin sa akin si mommy, bakas ang pagkataranta sa boses niya. “Latrisse, call an ambulance. Now! Latrisse!”
Namilog ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung ano ang nangyayari. Doon na ako nataranta. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko para tumawag ng ambulansya.