Kabanata 3

1376 Words
Latrisse's Point of View Nakatayo ako sa labas ng ospital—mag-isa, nilalamig, at gulong-gulo. Hindi ko alam kung tama ba ‘tong desisyon ko, pero ito lang ang tanging paraang naiisip ko. At isa pa, nakapagsabi na ako. Pumayag na ako sa alok ng Thornwell na ‘yon, kaya hindi na rin ako makakaatras pa. Sa totoo lang ay hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang lahat. I refuse to accept that this is happening to me; that everything I have built for myself is slowly crumbling into pieces. Gulong-gulo ako. Pero wala akong makausap—not because I don’t have anyone to talk to, but because I refuse to talk to anyone right now. Tingin ko’y walang makakaintindi sa akin pati ang kaibigan kong si Summer. Huminga ako nang malalim at itinuwid ang tingin sa daan. Tinatagan ko na lang ang sarili ko—because I don’t have any choice but to be tough. My situation right now necessitates it. Maya-maya pa’y may tumigil na isang itim na mamahaling sasakyan sa harap ko. Hindi ko na sana iyon papansinin pero nang bumaba ang driver nito at nagpakilala ay napataas pa ang kilay ko. “Good evening, Ms. Yapchengco, I am Mr. Thornwell’s personal assistant and I was sent here to pick you up,” magalang nitong sabi sa akin at yumuko pa. “Your boss doesn’t have to be this grand just to pick me up,” sarkastikong sagot ko sa kanya. “Let’s go,” dagdag ko at mauuna na sanang papasok pero nagmadali siyang pagbuksan ako. “Kaya kong buksan ang pinto nang ako lang.” “It’s Mr. Thornwell’s order to treat you with utmost care and respect, Ms. Yapchengco,” magalang niyang tugon habang nakayuko. Muling napataas ang kilay ko. “I doubt that came from his mouth. There’s no way respect and care are in that man’s vocabulary,” dagdag ko bago tuluyang sumakay. Maya-may pa’y umalis na ang sasakyan. At doon na rin tuluyang nag-sink in sa akin na hindi na ako makakaatras pa; na isusuko ko na ang sarili ko sa isang estranghero—isang misteryoso at walang pusong estranghero. Siguro’y mga kalahating oras din ang itinagal ng biyahe saka kami tumigil sa tapat ng isang mataas na bricked gate kaya hindi ko makita ang loob. Bantay-sarado rin ito nang apat na armadong kalalakihan. Pagkapasok namin ay doon pa bumungad sa akin ang napakalaking itim na bahay na halos gawa sa salamin. Sa tantiya ko ay may tatlong palapag ito. Sa entrada pa lang ay may nakatayo nang dalawang babae na nakasuot ng itim na maid’s uniform. Lumapit ang isa at pinagbuksan ako ng pinto. “Good evening, Ms. Yapchengco. Welcome to Thornwell’s estate,” magalang na bati nito sa akin. Tumango lang ako saka bumaba na. Doon na lumapit sa akin ang isa pang kasambahay. “This way, miss,” aniya at ginabayan ako papasok ng bahay. Sinalubong ako ng napakalawak at aliwalas na bahay. The modern interior was a mixture of white and black. It’s clean and simple yet luxurious. “Dito po tayo, Miss Yapchengco,” saad ng kasambahay at maingat akong hinila papunta sa isang direksyon. Dumaan kami sa isang hallway bago kami pumasok sa isang malaking kwarto na puno ng damit at iba pang mga gamit. “Sinabi po ni Mr. Thornwell na pumili raw po kayo ng mga damit na gusto ninyo.” Tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa hilera ng mga damit, bestida, sapatos, at kung ano-ano pang mga gamit. At dahil wala talaga akong dala ay pumili na ako. But when I checked everything, napansin kong iba-iba ang sizes ng mga ito. And that’s when it hit me—hindi niya alam ang size ko, so he probably brought all the sizes so I choose my size. And what’s more intriguing was the fact that these are no ordinary clothes and shoes, these are designer brands. Mukhang pinagyayabang niya talaga ang yaman niya—na kaya niya akong bilhin sa kahit na anong halaga. Napailing na lang ako saka pumili ng masusuot. Pero natigilan ako nang makita ko ang mga underwear na binili niya para sa akin. Iniinsulto niya ba ako? Ano ang matatakpan ng mga underwear na ‘to? Napakanipis. Napakaikli! Pero wala akong ibang choice dahil wala akong ibang masusuot. Pinili ko na lang ang pinakadisente. “Where’s my room?” tanong ko sa dalawang kasambahay. “This way, miss.” Sumunod ako sa kanila. Umakyat kami sa ikalawang palapag kung nasaan ang kwarto ko. I was expecting a simple room, yet I was welcomed by a spacious, white room with a king-sized bed. “Thank you,” pasasalamat ko sa dalawa saka ako umupo sa aking kama. “You can leave now.” “Pinapasabi rin po pala ni Mr. Thornwell na puntahan n’yo siya pagkatapos n’yong magbihis.” Marahan akong tumango. Of course he wants to see me. At ako rin naman. Gusto ko siyang makausap. May mga itatanong lang ako sa kanya. Naghugas muna ako ng katawan saka isinuot ang dress na napili ko kanina. It’s just a simple, white cashmere dress. Hindi na ako nag-ayos pa. Itinali ko lang ang buhok ko at dumiretso na kung nasaan si Mr. Thornwell. Pumunta kami sa ikatlong palapag. Isa lang ang pinto roon. And that only means one thing—the whole floor is his room. Sa tapat ng pinto ay naroon ang lalaking sumundo sa akin kanina. Yumuko siya sa akin saka binuksan ang pinto, “He’s waiting inside.” Tumango lang ako at nilagpasan siya. Pagkapasok na pagkapasok ko ay nakita ko kaagad si Mr. Thornwell. Prenteng nakaupo sa itim niyang leather sofa; nakabukas ang unang dalawang butones ng suot nitong puting long sleeves at nakalaylay ang itim na necktie. Mariin at malamig ang mga tingin na ipinupukol niya sa akin. Walang bahid ng kahit na anong emosyon ang asul niyang mga mata. Bahagyang nakakunot ang malago niyang mga kilay habang bakas ang pagkainip sa ekspresyon ng kanyang gwapong mukha. Nagmistulang tuwid na linya ang manipis nitong labi habang umiigting ang kanyang panga. Hindi ko mapigilang mailang sa mga titig niya. Uminom siya sa baso niya nang hindi inaalis ang tingin sa akin. “Hubad.” Nagulat ako sa sinabi niya. “Mr. Thornwell, I—” “Don’t make me lose my temper, Ms. Yapchengco,” putol niya sa sinasabi ko. Bakas na ang inis at pagkainip sa boses nito. “Hubad.” Hindi ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinasabi niya. But the danger in his eyes tells me that he meant every word he said, I just can’t process it. “Don’t wait for me to do it myself, woman. You won’t like it,” may pagbabanta nitong saad saka siya tuluyang tumayo at niyarok ang lahat ng alak na laman ng basong hawak. Mabigat ang paghakbang niya palapit sa akin. Habang ako naman ay hindi makagalaw sa pwesto ko. I was being overwhelmed by his dangerous presence. “Take it off while I am still being nice,” pabulong niyang sambit habang diretsong nakatingin sa mga mata ko at hinawakan ang aking baba. Klarong-klaro ang pagbalot ng inip sa asul niyang mga mata. Tumalim ang kanyang tingin nang hindi ako kumilos. “You won’t do it?” Tumaas nang bahagya ang kanyang boses saka tuluyang naging blangko ang kanyang mga mata. “Then let me,” dagdag niya at marahas na pinunit ang aking damit. “A-Ano ba? Stop it!” Pilit ko siyang itinulak, pero patuloy pa rin siya sa pagpunit ng aking damit. “You can’t say no to me, Latrisse Yapchengco. Binili na kita. The moment you sold yourself to me was the moment you lost all the f*cking rights you have to your own f*cking life! Halos magsitayuan ang mga balahibo ko sa aking narinig. He sounded so dangerous, so commanding. Umalingawngaw ang boses niya sa buong kwarto, at tingin ko’y umabot din ito sa labas. Nagbaga ang mga tingin niya. Umigting ang panga. “Kaya wala kang karapatang magreklamo kung ano man ang gawin ko sa yo. Because right now, you’re my f*cking property,” pabulong niyang sabi saka ako siniil ng halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD