05

1085 Words
Chapter 5 3rd Person's POV Nakatungkod ang isang kamay ni Jasper sa pader sa loob ng men's room. Pulang-pula si Jasper at pawisan habang tinataas-baba ang sariling kargada. Napapamura na lang siya dahil sa tuwing nagkakadaupang palad siya at ang isa sa apat na babae nagwawala na ang kargada niya. Sa loob ng 18 years ng existance niya noong month lang na iyon naranasan magpabalik-balik sa restroom. Lumabas na siya sa cubicle at tumungo sa sink. After maghugas at magpunas ng kamay— maglagay ng alcohol tiningnan ni Jasper ang sarili sa salamin. Pawisan ang mukha— namula ang pisngi ni Jasper at napatakip ng mukha. "Nakakahiya ka Jasper. Nakakahiya ka— talagang sa university pa," ani ni Jasper. Sa sobrang hiya niya gusto na lang niya ibaon nag sarili sa kinatatayuan. Gusto niya na lang magpalamon sa lupa. Wala sa sarili na lumabas si Jasper sa men's room. Pagbukas niya ng pinto may nabangga siya ng lalaki. "Captain!" Napatigil si Jasper matapos may humablot sa kaniya at tinanong kung nanadya ba ito. "Hey, hayaan niyo siya. Hindi naman niya iyon sinasadya," ani ng lalaki. Inalis ang kamay ng lalaki sa suot na t-shirt ni Jasper. "Ayos ka lang ba?" tanong ng lalaki. Tumingin si Jasper at humingi ulit ng sorry. Nagpasalamat din ito. Tinapik ng lalaki ang balikat niya at bahagyamg yukuko. Nilapit ang bibig sa tenga niya. "Kung magpapansin ka— magkaroon ka naman ng originality. Paglabas mo pa talaga ng men's restroom tayo nagkabanggaan," ani ng lalaki. Nanggigil si Jasper. Ito ang ayaw niya sa mga lalaki kaya hindi siya magkaroon ng mga kaibigan. Nababastos siya palagi. Tinabig ni Jasper ang kamay ng lalaki at tiningnan ito ng masama. "Huwag kang masyadong feeling. Lalaki ako," ani ni Jasper at nilampasan ang mga ito. Mabilis na naglakad si Jasper paalis doon. Nagtawanan ang magbabarkada. Patungo na siya sa kabilang bahagi ng hallway nang mabangga na naman siya. This time matutumba na siya dahil tumatakbo na talaga siya paalis doon. Bago pa siya bumagsak ay may humawaka sa braso niya at mabilis na nahila. "Hindi ako makapaniwala na lampa ka talaga. Tuwing nakikita kita kung hindi ka nadadapa natutumba ka." Napatigil si Jasper. Nakita niya si Vesta at ito ang may hawak ng braso niya. "Bakit namumula mata mo? Anong nangyari sa iyo?" tanong ni Vesta. Hinila ni Jasper ang braso at umiling-iling. "Ma-maraming salamat. Aalis na ako," ani ni Jasper. Nilampasan ni Jasper si Vesta na ngayon ay nakatingin sa grupuhan na nagtatawanan sa labas ng restroom. Ang palapag na iyon ay restroom lang for boys and girls. Naglakad si Vesta palapit sa varsity ng team na nasa labas ng restroom. Nagkatulakan ang mga ito matapos nila makita si Vesta na papalapit sa kanila. Lumiwanag ang mga mukha nito at tinanong kung may kailangan ba sa kanila ni Vesta. "Iyong lalaki na kagagaling lang dito. Anong ginawa niyo?" tanong ni Vesta. Sinabi ng mga ito na wala silang ginawa. Nagpapansin daw kay Daniel. "Nagsumbong ba sa iyo? Ang kapal ng mukha ng baklang iy—" Napatigil ang mga ito matapos sipain ni Vesta ang pinto na nasa likod ng dalawa sa mga lalaking nandoon. "Anong ginawa niyo?" tanong ni Vesta na may madilim na expression. Binaba ni Vesta ang paa at madilim ang anyong tiningnan ang mga ito. "Wa— wait. Wala kaming ginawa sa kaniya. Si Daniel huli niyang nakausap tapos bigla siyang umalis," ani ng lalaki at lumayo kay Vesta. Bumukas ang pinto at lumabas si Daniel. "Oh, Vesta— anong ginagawa mo dito? May kailangan ka?" ani ng lalaki na may pangalan na Daniel at captain ng varsity team sa university na iyon. Feeling lahat may gusto sa kaniya at mayabang isama pa na boyfriend ito ni Levi. "How about magkape tayong dalawa? Tiyaka ko papakinggan ang sasabihin mo—" Tinabig ni Vesta ang kamay ng lalaki at tiningnan ito ng masama. "Hindi porket girlfriend mo si Levi close na tayong dalawa. Hindi din porket captain ka ng varsity team gwapo ka na— tigilan mo pagiging assuming mo at kape-feeling na lahat may gusto sa iyo. Sa court ka lang may silbi," ani ni Vesta. Shocked ang mga barkada ni Daniel. Namula si Daniel dahil sa ginawang pagpapahiya ni Vesta na ngayon ay naglalakad na palayo. Vesta Ophelia, vice president ng student council. Vice captain din ito sa women's basketball team— laging kalmado,may pagka-witty, silent type pero iba makapagsalita. Pagbumuka ang bibig nito imposibleng hindi niya madurog buong pagkatao mo. Ito ang nag-act na pinakamatanda sa grupo kasi mas matanda naman talaga siya at siya lang naman talaga sa grupo nila ang hindi madaling nagpapadala sa kahit na anong sitwasyon. Huli na ng ma-realize ni Vesta ang ginawa ni hindi niya nga alam ang tunay na nangyari pero bigla siyang sumugod doon. Napamura si Vesta at pumasok sa restroom ng girls. Hindi naman kasi siya iyon. Kinabukasan, Tinanong ni Levi si Vesta kung anong nangyari. Napa-pokerface si Vesta sa idea na nagsumbong ang hudlom na boyfriend ni Levi. Sinabi ni Vesta ang nangyari. Napataas ng kilay si Levi at sinabing dahil lang doon pinahiya ni Vesta ang boyfriend niya. "Bullying iyon," ani ni Vesta. Sinabi ni Levi na walang ebidensya si Vesta at sinabi nga daw ni Daniel kay Levi na nilalandi siya noong bakla. "Sinabi ba ni Daniel kung sino ang sinasabihan niya na nagpakita sa kaniya ng interes?" tanong ni Vesta na ngayon ay nagsisimula ng mairita. Nasa office sila ngayon— hindi sila pinapansin ni Ceres na kasalukuyang may inaayos na dokumento habang si Lucinda ay busy sa paglilinis ng kuko niya. "Si Jasper Ortega iyon. Iyong guy galing ibang school para naman hindi mo kilala ang gago mong boyfriend," ani ni Vesta. Napatigil si Ceres at Lucinda. Napatingin kina Vesta at Levi. "Sigurado kang si Jasper iyon?" tanong ni Levi. Marunong silang humusgang apat ng tao. Tanga lang talaga si Levi pagdating sa boyfriend niya. "Hindi mo ba narinig sinabi ko? Si Jasper iyon— hindi nga sa atin makatingin iyon at iyong lampang naglalakad na lang nadadapa pa. Sinong putanginang maniniwala na nilalandi ni Jasper ang hayop na iyon," ani ni Vesta. Sinabi ni Levi na hindi pa nila ganoon kakilala ang Jasper na iyon. Napataas ng kilay si Vesta. Pinagtatanggol na naman iyon ni Levi. "Iyang katangahan mo Levi hindi ko ma-reach. Mag-ingat ka baka dalhin ka hanggang sa antartika ng katangahan mo na iyan." Tumayo si Vesta mula sa pagkakaupo sa table niya at lumabas ng student council office.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD