Chapter 24
3rd Person's POV
Maggo-grocery lang naman sila so? Hindi na nagpalit pa si Jasper. Inipitan ni Lucinda ang mahaba niyang buhok at naglagay na lang ng light make up. Sabi kasi ni Jasper mas bagay daw kay Lucinda ang light make up.
Hindi naman na gaanong nag-ayos sina Ceres dahil grocery store lang iyon at walang special occasion.
Lumapit si Jasper kay Levi at inipitan ang buhok ng babae. Hinayaan lang naman ni Levi si Jasper.
"Sino magda-drive ngayon?" tanong ni Lucinda. Sinabi ni Levi na siya nakatoka sa araw na iyon.
"Need mo ng help?" tanong ni Jasper. Nakaupo si Vesta sa sofa. Inabot ni Vesta ang brush na hawak niya. Kinuha iyon ni Jasper at sinuklayan ang buhok ni Vesta ng dahan-dahan.
"Nandito na ang susi ng SUV at list ng bibilhin natin tara na," ani ni Ceres. Binaba na ni Jasper ang brush matapos masuklayan si Vesta.
Bumaba na si Jasper mula sa pagkakaupo sa likod ng sofa at nag-uunat na naunang naglakad palabas ng mansion.
"Wala na pala akong art materials at wala na din akong babasahin na books. Daan tayong bookstore," ani ni Jasper at parang bata na niyakap ang braso ni Ceres.
"Naga-act ka lang talaga na cute kapag may kailangan ka," ani ni Ceres. Tumawa si Jasper at sinabing siyempre may kailangan siya. Nakakapunta lang naman siya sa bookstore kapag pinagda-drive siya nina Ceres at nakakagala.
Naunang lumapit si Jasper sa SUV. Pinagbuksan ni Jasper ng pinto ang mga babae. Binuksan niya na din ang driver seat.
"Tapos sa bili tayo ng ice cream at pizza," ani ni Jasper. Sumakay na ang lalaki sa sasakyan at tumabi kay Vesta.
"Wala na ba tayong ice cream sa ref?" tanong ni Ceres. Naalala niya na iyon lang naman laman ng ref nila palagi dahil favorite ni Jasper at hindi naman pwede nila ipadeliver iyon.
Nag-drive si Levi at tinatahak ang daan ngayon patungo sa malapit na grocery store.
Nang makarating sila doon pinarada na ni Levi sa parking lot ang sasakyan bumaba na si Jasper at pinagbuksan ang mga babae ng pinto na nakasanayan niya na din.
Tinungo nina Jasper ang entrance. Naging agaw pansin agad sila doon dahil kay Jasper at sa mga kasamang babae. Kumuha si Jasper ng cart. Naghiwa-hiwalay sila para bilhin ang mga kailangan nila sa bahay.
Naglalagay si Jasper ng mga junkfoods at coke sa cart. Naglagay din siya ng ready to eat na pancake. Dinamihan niya iyon para hindi na mahirapan pa si Ceres magluto ng pancake tuwing umaga para sa kanila.
May nakita siyang babae na pilit inaabot iyong tissue sa itaas ng shelf. Hinihila ng babae iyong laylayan ng suot na damit 'nong lalaki na mukhang kasama ng babae.
Naglalaro ang lalaki kaya naman mukhang hindi nito pansin iyong girlfriend na pilit na iniaabot iyong tissue. Napataas ng kilay si Jasper.
Lumapit si Jasper at kinuha iyong tissue na inaabot ng babae. Napatigil ang babae at lumingon. Natulala ang babae— ngumiti si Jasper at iniabot iyong pack ng tissue. Namumulang nagpasalamat ang babae.
"Babe, hindi pa ba—"
Kumunot ang noo ng lalaki nang paglingon niya may gwapong lalaki ngayon ang sinusubukan makipag-usap sa babae.
"Anong problema mo? Pinopormahan mo ba ang girlfriend ko!"
Napatigil si Jasper. Nagtinginan ang mga tao na nasa loob. Pinigilan ng babae ang lalaki.
"Tinulungan niya lang ako abutin iyong tissue! Masyado kang busy diyan sa game mo!" sigaw ng babae. Sinabi ng lalaki na tigilan nito ang pagtatanggol kay Jasper. Napa-pokerface ang lalaki.
"Boyfriend, anong size mo? May nakita kasi akong brand ng condom doon kaso hindi ko alam kung large ba kukunin ko o extra lar—"
Napatigil ang tatlo at lumingon. Dumating si Lucinda na may hawak na box ng condom. Tumingin si Jasper sa couple at hinawakan ang cart niya.
"Nandiyan na girlfriend ko," ani ni Jasper na ngumisi at naglakad palapit kay Lucinda na agad inakbayan ni Jasper.
"Talagang sinigaw mo pa kung anong hawak mo ah," ani ni Jasper. Ngumiti ng malapad si Lucinda at itinaas ang hawak niya na box.
"Kunin ko na pareho then try natin mamaya kung ano dito kasya sa iyo?"
Tumawa si Jasper at sinabing sige. Nilagay iyon ni Lucinda sa cart niya. Sumama sa kaniya si Lucinda. Nag-ikot ikot sila sa grocery store. Nakita ni Jasper si Levi. Nakatalikod ito at mukhang may tinitingnan.
Maraming lalaki ngayon na halos kasing age lang nila ang nagtutulakan para nga lapitan si Levi.
"Levi, need mo ng lalagyan?"
Lumingon si Levi. Ngumiti si Levi at tinawag na cutiepie.
"Wala pa naman ako napipiling bilhin," ani ni Levi at binalik sa lalagyan ang hawak sprinkles.
"Masarap ito. Bilhin natin?" tanong ni Jasper at kinuha iyong tinitingnan ni Levi kanina.
"May baon ako palaging ganito," ani ni Jasper. Sinabi ni Levi na alam niya. Lagi niya iyon nakikita sa bag ni Jasper.
"Gusto mo tikman?" tanong ni Jasper. Sinabi din ni Lucinda na siya din.
Tumawa si Jasper at sinabing damihan na nila. Bahagyang nilingon ni Jasper iyong mga lalaki kanina at tinaasan ng kilay.
Pinulupot ni Jasper ang isang kamay sa bewang ni Levi na mukhang walang pakialam. Nag-alisan ang mga lalaki. Napatingin si Levi kay Jasper at nakita niya na may tinitingnan ito.
Lumingon si Levi. May nakita siyang saleslady at nakatingin ito kay Jasper. Napa-pokerface si Levi— napa-aww si Jasper matapos hilahin ni Levi ang tenga ni Jasper.
"Siraulo ka apat na kami tumitingin ka pa sa iba," ani ni Levi. Tinanong ni Jasper kung anong sinasabi nito at anong tumitingin sa iba. Hawak lang ni Levi nag tenga ni Jasper. Nilingon ni Levi iyong babae at sinamaan ng tingin. Nataranta naman ang saleslady na umalis doon.
Hindi naman kasi iyong saleslady ang tinitingnan ni Jasper. Nakatingin si Jasper sa mga guy na kanina ay tinatangka si Levi lapitan. Sakto naman noong umalis iyong mga lalaki lumingon si Levi.
—
"Bakit nakataklob ang ulo ni puffin ng paper bag?" tanong ni Ceres. Parehong iritable si Lucinda at Levi. Pinagtitinginan na sila doon sa counter. Lumapit na din si Vesta na may tulak na cart na naglalaman ng mga gulay at meat.
Sinabi ni Levi na kung kani-kanino tumitingin si Jasper. Agad na sinabi ni Jasper na hindi siya sa saleslady nakatingin.
"Ganoon ba?"
Binayaran na nina Ceres ang mga pinamili nila. Ilang plastic din iyon. Nanlaki ang mata ni Jasper matapos siya utusan nina Ceres na buhatin lahat ng iyon.
"Buhatin mo hanggang sa sasakyan."