ALAS—SINGKO pa lamang ng umaga nang magising ako. Heto ang napapala na maagang natulog kagabi. Napaupo ako sa gilid ng kama habang nakatingin pa rin sa alarm clock naming hindi pa tumutunog. Tumayo na ako sa kama ko at napaunat, niligpit ko ang aking higaan at nilagay ang alam clock sa tabi ni Pauline, para marinig niya ang ingay nuʼn. Hindi ko alam kung anong oras natulog ang isang ito, kaya baka hindi magising kapag malayo ang alarm sa kanya. Hindi ko naman tinapat sa tenga niya ang alarm namin, baka mabingi naman ang kapatid ko kapag ginawa ko iyon. Dinampot ko muna ang aking phone para i-message muli si Prof. Hayes. Liana: Good morning, Prof. Hayes! Rise and shine po! Gising na ako today at nakangiti na ako nang malaki dahil magkikita muli tayo, kayo po ang Professor namin toda