DECLAN UMALIS ako sa table namin nang marinig ko ang sinabi ng gagong Boyd na iyon! Pasalamat siya ay pinsan siya ni baby girl. Naglakad na lamang ako hanggang may mabangga ako. Nahawakan ko ang kamay niya at narinig ang boses niyang umaray. “Miss, are you okay?” I asked her. Wala siyang response, kaya naghintay muna ako at nagsalita muli siya. “Iʼm sorry...” mahinang sabi niya sa akin. “Itʼs okay. Ako nga ang dapat magtanong sa iyo, are you okay? May masakit ba sa iyo?” Nakita kong nanginginig na ang kanyang katawan, kaya kinabahan ako sa kanya. Magtatanong pa sana muli ako nang umangat na ang kanyang mukha sa akin, nanlaki ang aking mga mata nang makita ko siya. “Baby gi— I mean, Miss Marquez, may masakit ba sa iyo?” tanong ko muli. Muntik ko na masabi ang endearment ko sa kanya. O

