NATAPOS na ang next class namin, lumabas na ako at hindi ko na pupuntahan ang last class namin. Kailangan ko ng makita si Prof. Hayes. “Liana, sabihan na lang namin na may sakit ka! Good luck!” “Chikahan mo kami, ha? Kung anong ganap, okay?” Tinanguan ko silang dalawa. “Sure, chikahan ko kayo later. Bye!” Kumaway ako sa kanila at mabilis na lumabas sa classroom, baka abutan ako ng last Professor namin. Nandito na ako sa East Parking na tinutukoy ni Prof. Hayes sa text message niyang iyon. Pero, nasaan ang car niya rito? Ang daming black car. Liana: Prof. Hayes, nandito na ako sa East Parking. Where are you? Iyon ang text ko sa kanya habang naghahanap sa paligid at pinapakinggan kung may bubusina. Iyon ang clue niya sa akin. Napatingin ako sa likod ko nang makita ang isang black ca