NAGSULAT ako sa likod ng notebook ko at binigay kay Ivy. Nakasulat doon ay about sa bar hopping namin mamaya. Naramdaman kong binangga niya ang aking braso kaya nakita ko ang pagnguso niya sa notebook ko, kaya binawi ko iyon habang nasa likod pa namin si Prof. Bocar, masungit pa man din ang isang ito. “Pumayag?” basa ko sa aking isipan sa sinulat ni Ivy. Tinignan ko siya nang mabilis and I mouthed, “later.” Mamaya ko na lamang ipapaliwanag sa kanya at baka mahuli kami ni Prof. Bocar. Hindi rin naman nagtagal ay natapos na rin ang class namin. Pagka-alis pa lamang ni Professor ay nagsalita agad si Ivy. “Hey, Liana, mabuti na lang pinayagan ka ni Prof. Hayes?” tanong niya sa akin. “Yes, pinayagan niya ako. Sinabi kong nangako na ako sa inyo and nasulit naman namin ang araw namin kahap