DALAWANG linggo muli ang nakalipas nang matapos ang College Foundation Day namin. Sa dalawang linggo na nakalipas ay natapos na rin ang pagiging substitute Professor ni daddy Declan. Kaya dalawang linggo na rin nang bumalik si Prof. Santos, pagkatapos ng college foundation day namin. “Hay, bumalik na naman sa boring ang Taxation!” Napahikab si Amira nang matapos ang two hours naming class sa kanya. Aaminin kong hindi na rin ako nagiging excited kapag Taxation na ang class namin. Parang ordinary day na lamang sa akin ang Taxation, wala ng kilig feels katulad noong si daddy Declan pa ang aming Professor. “Huy, Liana, ikaw ba, na—e—enjoy mo pa ba iyong Taxation?” Tinignan ko si Amira at napangiwi sa kanya. “Nope, not really, Amira. Boring na for me lalo naʼt hindi si Declan ang Profess

