DUMATING na kami sa Salis High-end Bar, nakapag-register na si Ivy sa bar na ito, kaya may card na rin kami. “Nasa front door na raw sina Zoren and Aqua,” balita ni Amira sa amin. Mabilis na kaming naglakad papunta sa front door ng bar. Lumakad na kami roon at nakita namin ang boyfriends nilang dalawa, fifth wheels na naman nila ako. “Babe!” sabay pa nilang sabi nang makita ang mga jowa nila “Tss... Pasintabi sa single, oh!” malakas na sabi ko sa kanila at tinuro ang sarili ko. “Hindi ka na magiging single, Liana. Malapit ka na maging mingle!” malakas na sabi ni Ivy sa akin at tinapik-tapik nang paulit-ulit ang aking braso. “Sana nga!” Pinakita na ni Ivy ang membership card niya kaya agad din kaming nakapasok sa loob ng bar. Bumungad sa amin ang malakas na tugtog. “Yes, letʼs h