NAKARATING kami sa Maravilla University, bumaba kaming dalawa roon at pumasok sa loob ng campus. Naglalakad pa lang kami papasok ay ramdam ko na agad ang tingin na binibigay nila sa amin, in short, sa akin lamang. Bwisit ang mga ito! Hindi man lang nililihis ang tingin, talagang bumubulong sila habang nakatingin sa akin. Magsaya kayo ngayong lahat, tignan niyo sa huli... Sa akin ang huling halakhak. “Ate, iyong mga tingi—” “Huwag ka ngang kabahan, Pau! Hayaan mo silang tumingin sa akin.” Tinignan ko ang mga estudyante sa paligid namin. “Hoy! Kung makatingin kayo sa akin ay wagas, ha? Itikom niyo niyang bibig niyo kung wala kayong sasabihin, ha? At saka, kung sino man ang nagko—comment about sa akin, maghanap na kayo ng abogado, ilalaban ko ang dignidad ko, okay? Have a nice Friday!” n

