MAHIGIT tatlong oras ang naging byahe namin nang dumating kami sa hospital kung saan naka—duty si Dr. Emily, ang magiging obgyn ko. Pinarada na niya ang sasakyan sa harapan ng hospital at inalalayan niya akong bumaba roon. Hawak niya nang mahigpit ang aking kamay habang naglalakad na kami papasok. “Kinakabahan ako, daddy Declan.” Bigla na lamang lumabas iyon sa aking bibig. Hinaplos niya ang likod palad ko at malaking ngiti ang binigay niya sa akin. “Huwag kang kabahan, mommy. Never na akong lalayo sa iyo, okay? Hindi kita iiwan,” bulong niya at hinalikan ang aking noo. Humigpit ang hawak niya sa aking kanang kamay, kaya tumango ako at muling kaming lumakad na dalawa. Pumunta kami sa front desk ng hospital at nagtanong ni daddy Declan about kay Dr. Emily, tinanong ang name namin at

