bc

Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)

book_age18+
149.6K
FOLLOW
680.0K
READ
billionaire
dark
possessive
escape while being pregnant
arranged marriage
arrogant
powerful
CEO
K-pop
drama
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Nagising si Aliya Rodrigo na nawala na sa kanya ang lahat; magulang, kapatid at alaala. Sa madilim na yugto ng buhay niya'y nakilala niya ang lalaking nais niyang makasama habang buhay, si Haze Cadden Monteverde- the second grandson of a corporate giant; Don Alberto Monteverde.

Isang lihim na kasalan ang naganap- naaayon sa kagustuhan ng binata. Batid ng dalaga na magkaiba sila ng nararamdaman, na kung gaano niya 'to kamahal ay ganoon rin ang pagkamuhi nito sa kanya. Kumapit siya, ipinaglaban niya- ngunit may hangganan ang lahat. Nagising na lang siyang sumusuko at tumatakbo palayo, leading her way to the darkest secret of her past and to Cade's cousin; Howell Lance Monteverde, the first grandson.

Will she be able to escape Haze Cadden's sweetest and possesive way of chasing, will she be able to resist a Monteverde's way of claiming what belongs to him?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Unrequited
Aliya's Point of View Napayakap ako sa sarili nang maramdaman ang malamig na hangin. Bahagya kong kinusot ang mata nang manlabo ito sanhi ng biglaang paggising. Naagaw agad ang atensyon ko ng puting kurtina na ngayo'y nililipad ng hangin at maging ang nakabukas na pinto. Napatingin ako sa orasan, lagpas ala-una na pala. Napakamot ako ng ulo dahilan upang mas lalo pang gumulo ang magulo ko nang buhok. Tinungo ko ang pinto upang isara ito. Mag-iisang taon na mula nang ikasal ako sa lalaking nasa akin na ngunit hindi akin. Bata pa lamang ako'y minahal ko na siya, siya ang natatanging lalaking pinangarap kong makasama habang buhay. Ngunit kung gaano ko siya kamahal ay gayon din ang pagkamuhi niya, na tila ba maruming bagay na kinasusuklaman niya, kinamumuhian niya. Pero dahil sa pagmamahal ko sa kanya: kaya kong magtiis, kaya kong mag-antay. Monteverde? Isang pangalan na matagal nang akin, ngunit di ko magawang gamitin at ipagsigawan. Gusto ko 'tong ipagmayabang, sabihin sa lahat na ako'y kabilang. Gusto kong ipaalam sa lahat na pagmamay-ari na ako ng isang Haze Cadden Monteverde. Maituturing ang mga Monteverde na isa sa mga pinakamayaman at kilalang pangalan. Ngunit ang naging kasal namin ay di katulad sa karamihan. Walang bahid ng karangyaan. Isang kasalang di papangarapin nino man, isang kasal na kami lang ang may alam. Dahil ayaw niya, ayaw niyang malaman ng mundo, dahil hindi niya ako gusto. Para sa kanya, isa lamang ako sa mga kasangkapan ng kanyang lolo upang maitali siya at para sa kanya, isa lamang ako sa mga babaeng nananamantala ng pagkakataon. Marahil nga'y tama siya, pinagsamantalahan ko ang pagkakataong maitali sa kanya, ngunit lahat ng 'yon, ay dahil sa mahal na mahal ko siya. At dahil nga sa pagmamahal na 'yon ay malaya niyang nagagawa ang mga gusto niya na ayaw ko. Ang pagmamahal rin na 'yon ang dahilan kung ba't ako pumayag na ilihim ang kasal at manatili sa pangalang Aliya Rodrigo. Muli kong nilingon ang orasan at napansin kong mag aalas-dos na pala, nakatulugan ko na kanina ang paghihintay ngunit hanggang ngayo'y wala pa rin siya. Napatingala ako sa itaas nang malaglag sa akin ang tuyong dahon ng Adelfa. Marahil ay nilipad lamang ito ng hangin sapagkat malayo-layo rin ang kinaroonan nito. Muli kong niyakap ang sarili nang umihip ang hangin, nasa labas na pala ako. Tumingala ako sa langit. "Uulan pa ata't walang mga bituin. Sayang naman at di ako makakahiling." Bigla akong natigilan sa isiping 'yon, sapat na nga ba ang magdasal at maniwala sa mga hiling na kayang tuparin ng bawat bituin. Kung iyon nga'y sapat na, bakit magpasahanggang ngayo'y... Dali-dali kong binura ang isiping 'yon, ba't ba tila'y sumusuko na ako sa asawa ko? Napailing na lang ako. "Mali 'to Aliya, kung ano-ano nang pumapasok sa isip mo dahil di pa siya umuuwi. Maaari ngang natatagalan siyang umuwi at kung minsan ay hindi na. Maaari ngang ginagabi o inuumaga siya. At least, umuuwi pa rin siya. Alam mong may dahilan siya maliban sa ayaw ka niyang makita. Alam mong malaking responsibilidad ang nakaatang sa mga balikat niya bilang tagapagmana. At bilang asawa, iintindihin mo siya." Mapakla akong napangiti. Tumuloy na ako at isinara ang pinto. Tinungo ko ang kusina, napatingin ako sa malalamig na pagkain na inihain ko kagabi. Ilang beses na bang nasasayang ang mga pagkaing inihahain ko? Ilang beses na ba akong kumain mag-isa? Ilang beses na ba akong di nakakain sa kahihintay sa kanya? Ilang beses na ba akong umasa na makakasabay siya sa mesa na 'to? Ilang beses na ba akong nangarap na matikman niya man lamang ang niluto ko, makipagkwentuhan, makipagtawanan habang kumakain sa lugar na 'to? Ilang beses na ba akong lumuha mag-isa? Ilang beses na ba akong nasaktan at umiyak nang dahil sa kanya? Ilang beses na nga ba? Unti-unti ko nang inililigpit ang mga pagkain sa mesa, hindi na naman ako kumain dahil sa wala akong gana. Habang naghuhugas ng pinggan ay napatingin ako sa singsing na suot ko, muli akong napangiti nang maalala kung ano ang pinapatunayan nito. Ngunit lahat ng sayang 'yon ay nawala at nahalinhinan ng sakit. Sakit, dahil alam kong tanging ako lamang ang nagsusuot ng wedding ring namin. Nagpunas na ako ng kamay at doon na ako napasulyap sa kabuuan ng bahay, napakatahimik. Isang konkretong imahe nang pag-iisa. Dahil nga sa napaidlip ako kanina ay di na ako dinadapuan ng antok. Hihintayin ko na lamang siguro siya buong magdamag. "Nasaan ka na ba Cade?" paghihimutok ko saka nagpakawala nang malalim na paghinga. Di ko na mapigilang di mag-alala, lagpas alas-tres na at wala pa rin siya. Maaga naman raw siyang umuwi, sabi ng sekretarya niya. Tiyak kong kasama niya si Adamson ngayon ngayon, kaya siguro hindi nito sinasagot ang mga tawag ko dahil alam niyang hahanapin ko si Cade sa kanya. Magda-dial na sana ako upang tawagan ulit si Adamson nang marinig ko ang tunog ng sasakyan papasok, sumilip ako sa may bintana at di nga ako nagkamali. It's Cadden's car, a black Ferrari 458 spider. Nakita ko siyang lumabas at pabagsak na isinara ang pinto. Tumunog ang sasakyan, palatandaang inilock niya 'to. Ganito na lang ba lagi? paghihimutok ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto, dinaanan niya lamang ako at di pinansin, parang hangin na di niya nakikita. "Kumusta Cade?" Pilit akong ngumiti saka isinara ang pinto. "Ba't ngayon ka lang?" Tanong ko ulit dito nang magawi siya sa direksyon ko. Mapakla akong napangiti nang di niya ulit ako sinagot. "Lasing ka ba?" Nag-aalala kong tanong nang maamoy ang alcohol sa kanya. Ngunit tulad ng una at pangalawa kong tanong ay wala akong narinig na sagot mula sa kanya "S-san ka galing?" Nauutal kong tanong. "Stop asking those stupid questions, I'm tired Aliya!" At sa unang pagkakataon ay sinagot niya na ang tanong ko. Nabigla man ako sa pagtaas niya ng boses ay ayos lang, kahit papano'y nalaman kong naririnig niya pala ako at alam niyang narito ako. "I am your wife Cadden, I have all the rights!" mariin kong ipinikit ang mga mata. Ito ang unang pagkakataong naglakas loob akong sagutin siya. "All the rights? All the rights huh!" batid ko ang pangungutya sa tono ng pananalita nito. "Don't brag about rights. Maybe you had, but in this house and in my life? You have none. And don't talk about being a wife, maybe you are, but only in papers." saka ako tinalikuran. Natigilan ako, ang sakit lang ng mga salitang 'yon. "And one more, don't depend too much on papers. It can be lost, burn, crumpled, even shred. Like us." puno ng galit ang mga mata nito nang lingunin niya ako. "Why do you hate me that much Cadden? I am still your wife!" Nakita ko kung papano siya napatigil sa pag-akyat saka bahagyang lumingon, di rin nakawala sa paningin ko kung papano kumurba ang kanang bahagi ng labi nito. Ito ang unang pagkakataong sumagot ako sa kanya, nagdadalawang isip tuloy ako kung tama ba ang inasal ko. Bago ko pa mabawi ang sinabi ko ay kumawala na ang mga luhang kanina ko pa pilit pinipigilan. Di ko alam kung papano niya nagawang bumaba ng hagdan nang ganoon kabilis at makalapit sa akin. Huli na para umiwas ako, napasandal na lamang ako sa handrail ng hagdan habang napapagitnaan ng mga braso ni Cade na sinadya niyang itukod upang makulong ako. Ito ang unang pagkakataong matititigan ko siya nang malapitan. Kitang-kita ko kung papano siya ngumisi habang namumula ang mga mata. "What are you saying, wife?" sarkastikong turan nito habang binibigyang diin ang huling salita. "Why do you hate me that much Cadden?" mahina pero alam kong sakto lang para marinig niya. "Why do I hate you so much? Simply because you ruined everything, you ruined my life Aliya; you took everything away from me. You took away the life I had, the life I've been dreaming to have again. You locked me in this frustrating life with you. And because of that, you're going to pay. You're going to suffer. Hinding-hindi ako titigil hanggat hindi ka kusang aalis sa buhay ko!" pananakot niya sakin, pananakot na alam kong totoo. "Frustrating talaga? Alin ba ang ayaw mo sakin, Cade. Sabihin mo lang at babaguhin ko. Kung may pagkukulang ako, sabihin mo lang, kaya ko namang punan. Ano bang dapat kong gawin Cade. Sabihin mo at gagawin ko lahat. Lahat-lahat gagawin ko mahalin mo lang ako." Napakagat labi ako matapos sabihin ang mga katagang 'yon. "It is you. The whole you, and if you'll ask me; what will make me happy, it is... not having you." Malamig niyang turan. "Having me is not a mistake, Cadden." Parang wala sa isip kong turan. "I'll get rid of you, wait for it." Aniya saka tumikhim, bumaba ang mga titig nito sa labi ko ngunit agad niya namang binawi at nag-iwas ng tingin. "Just make sure that you're getting rid of me, not falling." Walang kaemo-emosyon at nagtatapang-tapangan kong turan, kahit na ang totoo'y nangangatog na ang mga tuhod ko. Mataman niya akong tinitigan saka ngumiti, "Impressing! You've changed a lot. You've learned how to fire back, huh?" pinanlakihan ako ng mata nang haplosin nito ang pisngi ko saka inalis ang iilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ko at isinukbit iyon sa tenga ko. "Goodnight...wife." Mapanuyang turan nito saka inilapit ang mukha sa akin para lang... "Sleep tight." Bulong nito saka ako tinalikuran. Natulala ako habang naghahabol ng hininga. Wala akong ideya kung ano ang gagawin niya sakin, isa lang ang alam ko, pahihirapan niya ako at dapat handa ako. This is the most painful fact about love; loving someone doesn't obligate them to love you back.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
851.4K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
628.1K
bc

His Property

read
945.2K
bc

Payment of Debt

read
86.5K
bc

Billionaire's Twins

read
262.8K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
549.0K
bc

My Son's Father

read
582.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook