"BABY, WAKE up." May yumugyog nang mahina sa akin at hinaplos ang aking pisngi. Kumunot ang aking noo. Ano ba 'yan! Disturbo! Kinamot ko ang aking kanang pisngi at niyakap ang comforter na nakatakip sa akin. Patagilid akong humiga. May tumabi sa akin at niyakap ako sa bewang pero ‘di ko iyon pinansin. Inaantok pa ako. "Baby, bangon na," ani ng isang boses na para bang nilalambing ako. Napasimangot ako at kinamot ang aking leeg at ‘saka umayos ng higa. I heard someone chuckled. May humalik-halik sa aking balikat patungo sa aking leeg. "Talaga bang napagod ka sa exercise natin kagabi?" Nagmulat ako at kinusot ang aking mga mata. Nilingon ko si Felix at tinulak ang kanyang mukha palayo sa aking leeg. "Felix, water," paos na sabi ko at pumikit. My throat feels dry. Real