Chapter 39 Unti-unti ng nadadala si Angela sa mga mapupusok na halik na ipinagkakaloob ni Rohan sakanya na kanya namang buong pusong tinutugon Sa wakas ay nagkausap na rin sila at nagkaayos na kaya naman wala na siyang iisipin pang iba. Masaya rin siya dahil nalaman niyang mahal na mahal parin pala siya ni Rohan at sobra rin itong nangulila sakanya Nagtaka siya ng putulin ni Rohan ang pakikipaghalikan nito sakanya "I should stop now. Ayokong isipin mong sa ganito lang ako magaling" Hinihingal pang sabi nito "Ha?" Napapangangang tanong niya Pinunasan ni Rohan ang ilalim ng kanyang labi dahil medyo nabasa iyon bago ito napangiti ng pilyong ngiti "Kakabalikan pa lang natin. Baka maglaban agad tayo sa kama ko kung hindi pa natin ititigil ang ginagawa natin. Ayokong isipin mong iyon lang

