Chapter 34 Hindi agad nakapagsalita si Angela sa sinabi ni Rowan. Tinitigan niya ang mga mata nito sa hindi makapaniwalang tingin. Ibig palang sabihin ay alam na nito ang tungkol sa kanilang anak? Iyon ba ang dahilan kaya ito naroon ngayon? Naramdaman niya ang matinding pagkirot sa loob ng kanyang puso. Ang buong akala pa naman niya kanina ay naroon ito upang manghingi ng tawad sakanya Buong puso naman niya itong tatangapin dahil tatlong taon na siyang umaasa na sana isang araw ay magbago ang isip nito at maalala nito ang pagmamahal nito sakanya Na sana balang araw ay balikan siya nito. Aaminin niyang may naramdaman siyang pag-asa ng makita niya ito kanina sa kanilang bahay. Nabuhayan ang puso niya. Iniisip niya bumalik na ito upang balikan siya. Ngunit lahat ng pag-asa at kilig na

