Chapter 10
"Ang dami naman"
Napanguso siya ng makita niya kung gaano karami ang inorder ni Rohan para sakanilang dalawa. Narito sila ngayon sa isa sa mga paborito niyang fast food restaurant. Tinanong kasi siya nito kung saan niya gustong mag-almusal. Ang Mcdolands ang sinuwestiyon niya.
Ngunit hindi niya akalain na napakarami nitong oorderin para sakanilang dalawa. Kakasya siguro iyon sa sampung katao! Pang sampung-tao ang inorder nito.
"Mas gusto kong busog ka bago ka humarap kay Rowan. Para mas malakas ang pagsampal mo sakanya" Nakangising biro ni Rohan habang inilalapag pa nito sa kanilang lamesa ang mga inorder nitong pagkain
Napangiti siya ng kaunti dahil sa biro nito. Mas gwapo pala ito kapag nagbibiro ito ng ganoon. Kaya siguro ang lakas ng tawa at ang saya ng kwentuhan ng mga boardmates niya kanina habang kasama ito dahil may pagkamabiro ito. Hindi katulad ni Rowan na hindi mahilig makisalumuha sa ibang tao
Napalinga-linga si Angela sa paligid
Pinagtitinginan sila ng mga tao sa paligid nila.
Hindi na niya kailangan pang hulaan kung bakit sila pinagtitinginan ng mga ito lalo na ang halos lahat ng kababaehan sa loob ng Mcdolands.
Isa lamang kasi ang dahilan kung bakit sentro sila ng atraksyon ngayon ng mga ito.
Iyon ay ang malakas na presensya ni Rohan. Kahit sino ay mapapalingon talaga kapag nakita itong kumakain sa isang fast food restaurant na katulad ng Mcdolands dahil angat na angat ang kagwapuhan nito kaysa sa mga ordinaryong lalakeng napapadpad sa lugar na iyon
Mapaghihinalaan talaga itong isang artista o di kaya ay isang negosyanteng mayaman na isa sa mga successful bachelors ng Pilipinas.
Bakit nga kaya napakagwapo nito?
"Kumain kana. Ayokong pumayat ka"
Napatigil tuloy siya sa pag titig sa gwapong mukha ni Rohan at napapahiya siyang nagbawi ng tingin dito.
Sinimulan na niyang kumain dahil sa totoo lang ay nagugutom na rin siya.
"Ang dami mong inorder. Masasayang to kapag hindi natin naubos"
"It's okay. I-take out nalang natin" Balewalang sagot nito habang kumakain sila
Panay ang tingin nito sakanya kaya medyo naiilang siya
"Ganito ka ba talaga manlibre? Maramihan palagi?"
"Yeah. Ayokong nabibitin ang nililibre ko. Hindi ko ugali ang mangbitin"
Napainom siya ng tubig dahil pakiramdam niya ay may ibang kahulugan ang sinabi nito.
Katulad ba ng pangbibitin nito sakanya sa halikan na naganap sakanila?
Namula tuloy ang kanyang mga pisngi ng maalala niya ang halikan na namagitan sakanilang dalawa
Those soft and hot lips---Ipinilig nalang niya ang kanyang ulo bago pa man niya maalala ng husto ang nangyari ng gabing iyon
Hindi nalang siya kumibo at nag-kunwari siyang balewala sakanya ang sinabi nito
"Kapag nagkita na kayo ng kapatid ko at napatunayan mong totoo lahat ng sinasabi ko sayo, What will you do?"
Napataas ang kilay niya sa tanong nito. Bakit nito tinatanong ang bagay na iyon
"Bakit mo tinatanong?"
"Nothing." Kibit balikat na sagot nito
"Wala pala eh. Hindi mo na kailangan malaman kung anong gagawin ko sa kapatid mo Rohan. Sabi mo nga problema na namin yun"
Sumeryoso ng kaunti ang gwapong mukha ng binata habang nakatitig sakanya
"Huwag ko lang malaman na nagpakamartir ka parin. I'll punish you if you do that again"
"Again? Kailan ako nagpakamartir--"
"That night." May pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi nito kaya naman umakyat agad sa kanyang mukha ang kanyang dugo.
Nag-init tuloy ang kanyang mga pisngi sa kapilyuhan nito! Ang tinutukoy pala nito ay ang gabing naghubad siya sa harapan nito para lamang huwag siyang iwanan ni Rowan
Malay niya bang hindi si Rowan ang nasa harap niya kundi ang extra-gwapong kakambal nito?
"H-Huwag mo na ngang ipaalala ang gabing iyon. Hindi ko naman kasi akalain na isa kang impostor. Malay ko bang hindi ko pala nobyo ang nasa silid ko ng gabing iyon"
"So. You will still gonna do it? In front of Rowan?" Naniningkit na mga matang tanong nito sakanya
"I-It's not of your business."
"It is. Dahil di ko hahayaang gawin mo yun" Seryoso nitong sabi bago siya nito binigyan ng masamang tingin
"Ipapaalala ko lang po sayo Mr.Rohan Hoffman ha? Baka kasi sakaling nakakalimutan mo, Nagpapangap ka lang na nobyo ko at hindi kita tunay na nobyo kaya wala kang karapatan pagsabihan ako kung ano ang tama at mali kong gagawin."
Tinitigan lamang siya nito habang siya naman ay naka-taas pa ang kilay.
"Just don't do it. Hindi mo deserve ang magmakaawa"
Napalunok siya sa sinabi ni Rohan. Tinamaan siya sa ilang salitang sinambit nito. Nasapul nito ang katotohanan.
Hindi niya deserve ang magmakaawa
"My brother doesn't deserve you. Ayaw mo bang mahanap ang lalakeng karapatdapat para sayo?" Tanong pa ni Rohan habang nilalaro nalang nito ang pagkain sa harap nito
"At sino naman ang lalakeng karapatdapat para sakin? Minamaliit mo ba ako Rohan--"
"Don't get me wrong. Alam mong si Rowan ang tinutukoy kong hindi karapatdapat para sayo. At malay mo nasa tabi tabi lang ang lalakeng magpapasaya pala sayo" Ngumiti pa ito sa bandang dulo ng pananalita nito bago ito uminom ng tubig
Nag-init ang kanyang pisngi
Pinariringan ba siya ni Rohan?
"T-Type mo ko?"
Naibuga nito ng kaunti ang tubig na iniinom nito dahil sa kanyang tanong.
"What?"
"T-Type mo ba ako? Bakit ka nagpapahiwatig sakin--"
"Hindi lang kita type. Hindi kita pag-aaksayahan ng oras kung type lang kita"
Dahil sa sinabi nito ay bumilis ng husto ang t***k ng kanyang puso. Para bang naririnig na niya ang bawat pag t***k ng puso niya.
"H-Hindi pwede dahil girlfriend ako ng kapatid mo." Iniwasan niyang mapatingin sa gwapong mukha nito
Napapansin niya kasi na kakaiba ang mga tingin na ibinibigay nito sakanya.
Para bang may magnetong taglay ang mga titig nito na nais siyang higupin
"Technically no. Hindi kana girlfriend ng kapatid ko. Dahil ang alam niya nag break na kayo at nagpapakasaya na siya ngayon sa babae niya. So why don't you move on?--"
"Uulitin ko sayo Rohan. Hangat hindi nakikita ng mga mata ko ang pangbababae ni Rowan--"
"Fine. Gutom lang yan. Kumain ka ng marami para makapag-isip ka naman ng tama" Nakasimangot nitong putol sa pagsasalita niya. Nilagyan pa nito ng tatlong manok ang pingan niya habang nakasimangot ito
Nais niyang mapangiti dahil nagiging isip bata pala ito kapag nagtatampo? Parang gusto niya tuloy haplusin ang nuo nito na nakakunot ngayon
"Hindi ko yan mauubos--"
"Ubusin mo. Alam mo bang 50% sa mga babaeng katulad mo nakakagawa ng mga bagay na mali dahil lang gutom sila? Kaya bago ka humarap sa kapatid ko dapat busog ka para di ka makagawa ng maling desisyon. Pagsisisihan mong siya ang pinili mo kaysa sakin"
Napangiti siya sa sinabi nito.
"May pilian pala?"
Napangiti rin ito
"Pwede ring wala kung itutuloy nalang natin ang relasyon natin"
"Sira!" Nag iwas siya ng tingin kay Rohan. Ngunit aaminin niyang madaling maka-gaangan ng loob ang binata
Pagkatapos nilang kumain ay muli silang bumalik sa kotse nito daladala nila ang mga pagkain na hindi nila naubos
"Mayron ka pang sampung minuto para magbago isip mo" Biro ni Rohan sakanya nang magsimula na itong magmaneho ng sasakyan nito
"Sira ka talaga. Hindi na magbabago isip ko no" Medyo kinikilig yata siya dahil pareho silang napapangiti
"Then maybe I'll have a sister in law affair soon?" Pilyong biro nito sakanya bago nito nihawakan ang isang kamay niya
Nagdulot iyon ng kakaibang init sa buong katawan niya. Nais niya sanang bawiin ang kamay niya ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito doon
Hindi niya maiwasang mapakagat labi at mapayuko nalang dahil ang taksil niyang katawan ay tila nagugustuhan ang paghawak ni Rohan sa kanyang kamay katulad noong nagpapangap pa itong nobyo niya
She must admit, She really missed him.