Chapter 27 Napabuntong hininga si Angela pagkatapos niyang lumabas mula sa banyo dahil nakita niyang nakadapa na sa kama si Rohan at mukhang nagtutulog-tulugan na ito. Pagkatapos kasi ng proposal nito kanina ay nagkasayahan pa sila. Nagpatugtog ng malakas si aling cora kaya naman naging instant dance floor ang bahay bakasyunan nito. Nang mapagod sila sa pagsayaw ay muli silang kumain ng hapunan dahil hindi pa sila nakakain ng maayos bago pa man ito nakapag proposed sakanya Pagkatapos nilang kumain ay nagyaya na siyang umakyat sa kwarto nila dahil binabalak na niyang makipagtalik kay Rohan. Lalo na't nadadala na siya kanina sa mga sayaw nito sa likuran niya. Ngunit nauna itong naligo sakanya kahit pa pinagpipilitan niyang sabayan ito maligo. Mukhang iniiwasan talaga ni Rohan na may man

