Chapter 17
Hindi mapakali si Angela sa kinauupuan niya habang hinihintay nila sa isang malamig na kwartong iyon si Rohan. Ito raw ang mag-iinterview sakanila ayon sa HR manager na nakipag-usap sakanilang tatlo kanina.
"Grabe ang lamig naman dito pupulukatin yata ako" Reklamo ni Maylene na halatang giniginaw na rin ito
Nakaupo lamang silang tatlo sa isa sa mga upuan ng business meeting room na iyon. May mahabang lamesa at nasa bente mahigit na upuan ang naroon na nakapalibot sa mahabang lamesa.
Nagtabi tabi nalang silang tatlo sa bandang gitnang bahagi ng lamesa. Kinakabahan sila dahil ito lamang ang unang pagkakataon na makakapasok sila sa trabahong pang-college graduate lamang.
"Kaya nga ang lamig. Pabawasan natin ang aircon"
Nagpalingon lingon sila sa paligid ng kwartong iyon. Wala naman silang nakikitang aircon sa kwarto at marahil centralizado ang lamig sa buong building.
"Kinakabahan lang tayo kaya tayo giniginaw" Sabi niya sa dalawa kahit giniginaw na rin siya. Napapahaplos na nga siya sa kanyang mga braso dahil sa ginaw
"Sa susunod magdadala nako ng jacket" Reklamo ni Maylene
Maya maya pa ay natigil ang pag-uusap nilang tatlong ng pumasok sa loob ng meeting room ang lalakeng kanina pa nila hinihintay
Pakiramdam ni Angela ay tumigil ng ilang segundo ang mundo niya ng magkasalubong ang kanilang paningin ni Rohan.
Kung gwapo ito noon ay mas dumoble ang kagwapuhan nito ngayon! Ang linis linis nitong pagmasdan sa business suit na suot suot nito at maayos na nakasuklay ang buhok nito.
Saglit lang siya nitong tinignan bago ito nag iwas ng tingin sakanya at para bang binalewala lang siya nito
Tumayo sila Maylene at Gladys kaya naman tumayo rin siya bilang pag-galang sa magiging amo nila
"Good morning sir" Sabay pang bati ng dalawa sa binata kaya napangiti ng kaunti ito
Samantalang hindi naman niya magawang mag-good morning kay Rohan dahil pakiramdam niya ay nalunok na yata niya ang kanyang dila
Nais niya itong yakapin ng mahigpit sa mga sandaling iyon dahil sabik na sabik na siyang makita itong muli
Napansin niyang maayos na itong nakakapaglakad at mukhang gumaling na ito ng tuluyan mula sa aksidenteng nangyari dito dalawang buwan na ang nakakaraan
"Good morning. Have a sit girls" Pormal na bati ni Rohan sakanilang tatlo. Hindi man lang ito tumitingin sakanya bagkus ay kay Maylene at Gladys lamang ito nakatingin
Umupo ito sa upuan katapat ng kanilang inuupuan kayat nag-si-upo na rin silang muli
Saglit na pinasadahan ng mabilis na pagbasa ni Rohan ang mga resume nila na hawak hawak nito sa isang kulay itim na folder.
Lalo silang kinabahan dahil tahimik lamang nitong binabasa ang mga nakasulat sa resume nila
Habang ginagawa nito iyon ay hindi niya maiwasan titigan ang gwapong mukha ni Rohan
Para bang kinalimutan na nga talaga nito ang namagitan sakanila noon lalo na ang nangyari sa penthouse nito. Kung makitungo kasi ito ngayon sakanya ay para bang ibang tao na siya
"So this will be your final and only interview in my company. This is just for formality. Inalok kita Maylene for the encoder position dahil alam kong magagawa mo naman ng maayos iyon through proper training in my company. Sa tingin ko naman makakaya rin ng dalawang kasama mo ang magiging trabaho niyo"
Napalunok siya at napaawang ng kaunti ang kanyang bibig
Napangiti naman ng malapad ang dalawang kasama niya na animoy nanalo sa lotto.
"Talaga sir?! Ibig bang sabihin sir Rohan tangap na kaming tatlo?" Tanong ni Gladys kay Rohan habang namimilog ang mga mata nito
"Yes." Seryoso ngunit nakangiti ng kaunting sagot ni Rohan kay Gladys
"Oh my gosh sir Rohan thank you so much po!" Halos sabay pang sabi ni Maylene at Gladys sa sobrang tuwa at pasasalamat ng mga ito
Napatingin naman sakanya si Rohan dahil tahimik lang siyang nakaupo habang hinahaplos niya ang kanyang mga braso. Masaya siya dahil tangap na sila sa trabahong iyon at hindi naman pala nila kailangan pang magpa-interview ng husto kay Rohan dahil tinatangap na agad sila nito bilang empleyado ng kumpanya nito
"Something wrong Ms.Rodrigez?" Tanong sakanya ni Rohan ng hindi na siguro nito matiis ang dedmahin siya
Parang kumalabog naman ng husto ang kanyang puso dahil sa tanong nito. Hindi niya inaasahan na tatanungin siya nito ang buong akala niya ay hindi na siya nito titignan o kakausapin pang muli
Umiling siya
"W-Wala po s-sir" Sagot niya
Naiilang siyang tawagin itong sir ngunit kailangan dahil ito na ang magiging amo nila simula ngayon
Hindi na ito nagsalita at pinaliwanag na nito sakanilang tatlo ang benepisyo nilang makukuha habang nagtatrabaho sila sa kumpanya nito
Napakaraming benepisyo ang ibinigay nito sakanila kaya halos mangiyak ngiyak silang tatlo. Aaminin niyang napaka-impossible ng mga benepisyong iyon para sa mga katulad nilang high school graduate lamang
Ipinaliwanag rin nito ang mga rules ng kumpanya. Kaunti lang naman ang patakaran sa kumpanya na iyon. Kailangan lamang ng medical certificate kung sakaling liliban sila sa kanilang trabaho. Hindi rin nito gusto ang mga empleyadong hindi sumusunod sa oras ng trabaho sa makatuwid ay bawal silang mahuli sa oras o bawal silang malate.
Napapatingin si Rohan sakanya at napapansin nitong giniginaw siya. Panay kasi ang haplos niya sa kanyang mga braso
"Are you cold?"
Tatlo silang nagulat sa tanong ni Rohan dahil nakatingin ito sakanya.
"H-Hindi naman po sir" Magalang niyang sagot sa binata
Seryoso lamang itong nakatingin sakanya bago ito tumayo at lumapit sa kinauupuan niya.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang hubarin ni Rohan ang business coat nito at ito pa mismo ang nagpatong niyon sa kanyang dalawang balikat
Napalunok siya at di malamang ang gagawin.
"A-Ayos lang po ako sir-" Nahihiyang pigil niya kay Rohan
Ngunit bumalik lang ito sa kinauupuan nito kanina at parang balewalang itinuloy nito ang mga pagpapaliwanag ng rules and regulations ng kumpanya nito
Pinipigilan naman mapangiti ng dalawa niyang kasama dahil kinikilig ang mga ito sa pagpapahiram sakanya ni Rohan ng business coat nito
Pasimple niyang inamoy ang business coat ng binata. Napakabango ng coat nito. Mas ibinalot niya pa iyon sa kanyang katawan dahil pakiramdam niya nakayakap na rin si Rohan sakanya
Napapatingin lang si Rohan sa kanya habang nagpapaliwanag ito.
Nang matapos na itong mag-paliwanag ay sinabihan sila nitong ipapaasikaso nalang sila sa HR department para sa mga employees identification cards nila
"Thank you girls and welcome to Hanro Corporation" Nakipagkamay si Rohan kay Maylene pagkatayo nito ay tumayo rin silang tatlo. Pagkatapos ay kay Gladys naman ito nakipagkamay.
Ang lakas ng t***k ng kanyang puso dahil muli niyang mahahawakan ang kamay ni Rohan.
Inilahad nito ang kamay sakanya kaya naman agad niyang tinangap iyon. Pinilit niyang huwag magpakita ng kanyang tunay na emosyon ngunit ang totoo ay nais niyang manghina sa tindi ng tensyon na namamagitan sakanilang dalawa ng binata
Mainit ang kamay ni Rohan kaya ramdam na ramdam iyon ng nanlalamig niyang mga kamay.
Bahagya nitong pinisil ang kamay niya kaya naghatid iyon ng kakaibang init sa buong katawan niya
Nadismaya siya dahil saglit lang itong nakipagkamay sakanya at parang balewala na talaga siya para dito
Nang makalabas si Rohan ng meeting room ay agad na nagtatatalon sa tuwa ang dalawang kasama niya
Nagyakapan pa ang mga ito sa sobrang saya.
"May magandang trabaho na tayo! Makakaipon nako!"
"Oh my gosh! Thank you Lord!" Sambit ni Maylene
Samantalang naiwan parin siyang tulala at hangang ngayon ay hindi parin siya makamove on sa pagpapahiram ni Rohan ng coat sakanya
"Hoy Angela ano yung ganap niyo ni sir kanina? Sana all inoofferan ng business coat! Giniginaw rin kami no" Napapahalakhak na pang aasar ni Maylene sakanya
Natawa naman ng husto si Gladys
"Oo nga ang daya ikaw lang pinahiram ng business coat eh kami rin nga nilalamig. Ang haba talaga ng hair mo Angela"
Napapangiti tuloy siya dahil sa panunukso ng mga ito sakanya
Pasimple niyang inamoy muli ang coat ni Rohan na nakapatong parin sa likuran niya