THIRTY: "Dinadaya." (Serenity's POV) Ngayon ako naman ang nagtaka. "Para saan?" "For doing this. For taking your lunch with me." Puno ng sinsiridad ang kanyang mga mata. Marahang tumango ako. "Let's eat. Baka lumamig na yung pagkain." I smiled smoothly. Tumango din siya at binitiwan na rin ang kamay ko. Nagsimula na kaming galawin ang aming mga pagkain. And to my surprise, masasarap pala ang mga pagkain rito especially the beef nilaga. Hmmn, my favorite! Sa kalagitnaan ng pagkain ay panay ang sulyap ko sa kanya. May kanina pa kasi akong gustong itanong sa kanya pero hindi ko alam kung paano ko uumpisahan. Nahihiya na naiilang kasi ako. Sa panay na pagsulyap ko, kadalasan ay nahuhuli niya ako kaya umiiwas kaagad ako. "I know you're up to something. What is it, Serenity?" He a

