THIRTY-EIGHT: "Shoot." "GO, go, go, St. Claire!" Cheer ng mga babaeng schoolmates naming mga nasa bleachers. Nandito kami sa basketball court ng Holy Nate University. Championship ng eskwelahan namin laban sa kanila kaya heto at sinamahan pa rin kami ng mga taga-St. Claire para i-cheer at suportahan. Ayaw patalo eh. Kung marami na yung cheerers ng HNU, doble nu'n ang SCU. Tumahimik na yung lahat sa nalalabing dalawang minuto. Masyado nang intense at halos patas na ang laban. SCU-98 , HNU-96. "Go, SCU!" Umalingawngaw naman bigla ang boses ng isang babae mula sa bleachers. Napatingin kami roon at nakita kung sino yung sumigaw. That was Celine. Nahagip ng mga mata ko ang pagngisi ni John pati na ang magiliw na pagngiti ni Paulo. Naagaw ni John yung bola at agad na shi-noot sa ring for 1

