Prologue

881 Words
Her Secret Babies Written by: AdicQueen09 Genre: Romance / Thriller All rights reserve 2021 16+ This book is a work of fiction , Names and Characters , Some places and incidents are products of the author's imagination and are used factitiously , Any resemblance to actual events , places or persons , living or dead is entirely coincidence. "Buntis ako." Pilit akong ngumiti sa kaniya. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Masyado pa kaming bata para magka-anak, hindi namin pinlano pero masaya ako sa blessing na 'to. "H-ha?" gulat niyang tanong. "Buntis ako, Ruzzel," pag uulit ko. "E-eryl..." bakas ang lungkot sa boses niya. Napawi ang saya ko dahil pakiramdam ko hindi siya masaya sa balita ko. "Ruzzel... B-bakit? Hindi ka ba masaya? M-may problema ba--" napatigil ako nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko. Tumingin siya sa paligid. Madilim ang kapaligiran at tanging ingay lang ng kuliglig ang maririnig. Nasa likod kami ng building kung saan naganap ang competition ng modeling. Isa ako sa nakilahok sa patimpalak. "Ruzzel!" inis kong sabi at hinawi ang kamay niyang nakahawak sa akin. "Eryl naman! Hindi ba sabi ko sa'yo noon pa lang, take a fucking pills!" sigaw niya sa akin. Napa-atras naman ako sa sigaw niya. Bigla na lamang nagbago ang pakikitungo niya, buong akala ko magiging masaya siya sa ibabalita ko pero hindi pala. Nagkamali ako. "Bakit ba ganiyan ka? Magkaka-anak na tayo!" sigaw ko. Hindi ko na na-pigilan ang sarili ko. Sobrang nasasaktan na ako sa ipinapakita niya ngayon sa akin. "Hindi ko ginusto 'to! Wala akong balak! Hindi ako ready!" "Ruzzel! Hindi rin ako ready but we can keep this--" "Ipalaglag mo 'yan." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko mula sa kaniya. Did he just said na ipalaglag ko!? Ang kapal naman ng mukha niya. Pagkatapos kong ibigay at ipagkatiwala ang pagkababe ko sa kaniya! Lumapit ako at sinampal siya ng malakas. "WALA KANG KWENTANG TAO! PARANG NAPAKADALI PARA SA'YO NA SABIHIN LAHAT NG 'YAN!" sigaw ko at tuluyan nang napa luha. My knees are trembling. I now regret trusting him. "Just do what I said--" muli ko siyang sinampal. Pinaghahampas ko ang dibdib niya. Nakakapanghina ang mga sinasabi niya ngayon, gusto niyang pumatay ako ng inosenteng bata. Gusto niyang mawala ang sarili niyang dugo at laman. "PARANG HINDI MO 'KO MINAHAL--" napatigil ako sa paghampas sa kaniya ng hawakan niya ang dalawa kong kamay. "JOERYL! IT'S JUST A BET! I DON'T LOVE YOU, NEVER! ALL I WANT IS TO FUCK YOU! THAT'S ALL!" sigaw niya. Nanlumo ako at gusto ko na lamang mamatay nang marinig ko iyon. All this time, pinaglalaruan niya lang pala ako. "S-sinira mo lang ang b-buhay ko!" nanghihina kong sambit habang patuloy sa paghagulgol. "Ipalaglag mo 'yan," aniya at tinalikuran ako. "N-no..." bulong ko. Hindi na siya muling lumingon pa sa akin. Pinanood ko lamang ang kaniyang paglakad papalayo sa akin. Wala akong nagawa kundi ang umiyak. "Ruzzel..." Napaluhod ako sa damuhan at iniyak ang sakit na aking nadarama. Umuwi akong luhaan. Sinalubong ako ni Mirela, ang nakababata kong kapatid. "Ate! Anong nangyare sa'yo?!" alala niyang tanong at kinuha ang dala kong maleta. Hindi ako nagsalita at nagtungo ako sa kusina para uminom ng tubig. "Ate! Magsalita ka naman," ani Mirela. Hindi ko siya pinansin at nag tungo ako sa kwarto namin. "ATE!" sigaw niya. Gusto ko na lang mamatay ngayon. Wala na akong mukhang ma-ihaharap sa kanilang lahat. Isa akong disgrasyada. Walang modong babae. "Ate ano ba!? Kanina pa kita---" "Buntis ako," walang emosyon kong sabi at unti-unti nang tumulo ang mga luha ko. "Kanino? Hala ate--paano na--" "HINDI KO ALAM! HINDI KO NA ALAM!" sigaw ko at napaupo sa kama namin. Pinunasan ko ang mga luha ko. Naramdaman ko ang kamay ni Mirela na humahagod sa likod ko. "Ela... Natatakot ako," bulong ko. "Ate, sino ang ama niyan?" tanong niya. "Si Ruzzel." "Si Ruzzel!? Hindi ba sinabi ni Papa na huwag ka na makipagrelasyon sa kaniya?" aniya. "Alam ko! Kaya nga maling-mali! Ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko kaya sabihin kay Papa," sabi ko. Nasa Saudi si Papa at nagtatrabaho. Wala na si Mama, bata palang ako ay kinuha na siya agad sa amin ng Diyos. Simula noon ay si Papa na lamang ang nag-alaga sa amin. Limang taon na nag ta-trabaho si Papa sa Saudi para punan ang mga pangangailangan namin ni Mirela. "Hindi magugustuhan ni Papa 'yan," aniya. "Alam ko... 18 years old lang ako. Hindi pa handa sa ganito kalaking obligasyon," sambit ko at napayuko. "Anong sabi ni kuya Ruzzel?" tanong niya. "Ipalaglag ko daw," malungkot kong sabi. "Kung iyon lang ang paraan," Sinamaan ko ng tingin si Mirela. Para bang sumasang-ayon siya sa ganoong plano. "Hindi ko kayang patayin 'tong anak ko! Besides, unang anak ko 'to. Hindi ko kayang mawala siya. Masama ang pumatay," sabi ko at tumayo. Napabuntong hininga ako. Kailangan ko magdesisyon. Kailangan ko gumawa ng paraan para maayos ang lahat. "Ano nang gagawin mo, ate?" "Sasabihin ko kay Papa." "Paano naman ang pag-aaral mo?" Napatigil ako. Ang pag-aaral ko... Paano nga ba? Alam kong masasakit na salita ang maibabato sa akin ng mga tao. "Magtatago ako. Itatago ko lahat ng 'to."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD