Perrie. Ever since, my siblings are my top priority. Their safety and welfare are my main concern. Ultimo kanin na isusubo ko, ibibigay ko pa sa kanila. Parating sila, hindi na baleng wala ako, at kahit kailan ay hindi naman ako nagreklamo dahil mahal na mahal ko ang mga kapatid ko. Pero bakit ngayong ako naman ang humihiling ng para sa sarili ko ay ang hirap-hirap ibigay iyon sa akin? Am I not deserving to be happy with the man I love? Bakit kailangang dumating pa sa puntong ganito? Nasasaktan ako pero hindi ko magawang umiyak sa harap ng ibang mga tao lalo na sa mga kapatid ko. Kailangan kong umakto na parang hindi nasasaktan, kahit na ang totoo ay nadudurog ang puso ko. Akala ko ay ang tibay-tibay ko na, sa dami ba naman ng mga pinagdaanan namin sa buhay… isang lalaki lang pala an

