Kinabukasan din ng pangyayaring iyon sa isla ay naibalik sa kulungan si Alessandro at nagpatong-patong na ang kaso nito. Halos lahat ng mga kasamahan nito na sa Dark ay nahuli at nakulong din. Pero marami pa rin ang nakatakas at nagtatago. Kasama na ang matataas na miyembro nito. Pinagbayaran din ni Massimo ang pagtulong sa ama nito at pakikipagsabwatan sa mga criminal. Iyon ang ginusto ng binata kaya hindi na nila pinigilan nina Dianne at ng mga Montemayor. Sapagkat alam nila na iyon naman ang tama. Apat na taon itong makukulong sa Italy. "Mabilis lang naman ang four years, eh, 'di ba? Kaya huwag ka nang malungkot, okay?" pang-aalo sa kaniya ni Massimo sa araw na ibibigay na ng korte ang final na hatol nito. Hinihintay na lang nila ang tamang oras ng pagdidinig. "Para lang akong nagba

