Mabuti na lang at isa rin sa mga sports noon ni Massimo ang swimming at diving. Kaya hindi siya nagpahuli sa mga kasamahan nang magpakitang gilas ang mga ito sa ilalim ng tubig hanggang sa marating nila ang isla. Mula sa ilalim ng tubig kanina ay dinig na dinig lang nila ang malakas na putukan sa paligid. Tila lumilindol sa lakas ng mga pagsabog. Dasal lang ni Massimo na sana ay walang masaktan sa mga kasamahan nila. Dahil kapag nagkataon ay kasalanan niya iyon. Kasalanan niya na masiyado siyang nagtiwala at naging sunod-sunuran sa kaniyang ama-amahan. Pagdating nila sa isla ay sinalubong agad sila ng mga umuulang bala mula sa mga tauhan ni Papà Alessandro. Hindi pa man sila nakapagpalit ng kasuotan ay napasabak na sila sa laban. Eksakto naman na dumating na rin ang grupo ng Ninong A n

