Pagkatapos magpalit ng pambahay ni Dianne ay nagligpit muna siya sa kuwarto nila ni Massimo. Bagaman at wala naman siyang gaanong lilinisin at liligpitin. Dahil ayon sa binata ay may regular na pumupunta roon para maglinis at maglaba. Tanging tagaluto lang talaga ang wala roon. Ayaw daw kasi ni Massimo na may kasama ito sa bahay. Hindi ito sanay. Kaya nga ang sabi ni Flavio, nagulat daw ito nang malamang dinala siya roon ng amo nito at pinatira pa. Sanay daw kasi na mamuhay nang mag-isa si Massimo. Hindi daw kasi ito basta-basta nagtitiwala sa ibang tao. Lumapad tuloy ang puso ni Dianne sa ideyang siya pa lang talaga ang babaeng dinala nito sa mansiyon, na minsan na ring sinabi sa kaniya ng ama nito. Kung ganoon ay talagang mahal siya nito at espesyal siya sa puso nito. Pagkatapos mag

