02

839 Words
Ara Salvatorre's POV; Mula ng dumating si Seven...oo Seven na ang tawag namin sakanya hindi daw kasi niya alam ang pangalan niya pinagtanong na din namin siya sa bayan pero mukhang hindi talaga tagadito si Seven kaya dito na namin siya pinatira. Masipag si Seven yun nga lang wala siyang kaalam alam sa mga bagay na parang bagong kapapanganak pa lang niya..ganun kaya lahat ng bagay kailangan ko pang ituro sakanya. "Seven."ani ko ng marandaman kong dali dali itong umupo sa tabi ko at walang kaano anong dadamputin nito ang isdang nasa lamesa. Nang banggitin ko ang pangalan niya mabilis naman itong tumigil na kinatingin ni Bimbo at nanay. "Diba sabi ko sayo maghihinaw ka muna ng kamay?at magsusuot ka ng damit?"ani ko bago siya tingnan na nakatingin sakin habang nakasimangot. "Hala maghinaw ka at wag mo ako simangutan."utos ko na agad niyang kinatayo at naglakad palabas ng bahay. "Grabe ate bilib na talaga ako sayo napapasunod mo siya."komento ng kapatid ko na hindi ko pinansin. Nang makabalik si Seven pinagsandok ko na siya ng isda at pinaglagay ng gulay sa plato. "Kumain kana."utos ko na kinatango niya bago dali daling umupo at sunod sunod na kumain. Malakas kumain si Seven pero carry lang magdodoble kayod na lang ako para hindi kami magkulang naasahan naman namin si Seven dito sa bahay dahil sakanya nakakatulong na din ako kay mama magtinda sa bayan dahil andito naman si Seven siya na ang nag iigib,nagsisibak ng kahoy at naglilinis kung uutusan ko siya. "Ate pwede ba kami sumama sayo ni Seven sa bayan?"tanong ni Bimbo na kinatingin ko na agad namang kinatango tango ni Seven. "Oh kita mo gusto din ni Seven sumama."natutuwang sambit ni Bimbo na kinabuga ko ng hangin. "Hindi pwede magsisibak pa kayo ng kahoy at mag iigi---." "Ate tapos na namin ni Seven yun gumising kamk ng maaga para mag igib at magsibak ng kahoy pang isang linggo na nga yata yung sinibak ni Seven diba Seven?"tanong ni Bimbo bago makipag apir kay Seven na tatango tango habang sumusubo. "Iha hayaan mo na isama mo na para naman makagala itong si Seven sa Bayan."ani ni Nanay na kinabuga ko ng hangin. "Sige na nga basta ikaw Bimbo ang bahala diyan wag na wag mong iiwan yan sa bayan."bilin ko kay Bimbo na kinasalute niya. "Pramis ate maglalaro lang kami ni Seven hindi kami mangungulit sayo."nakangiting sambit ni Bimbo na kinasingkit ng mata ko ng makalimutan kong maloko ang batang ito. 3rd Person's POV; "Seven tingnan mo yun oh daming nakatingin sayong chix hihi."malokong sambit ni Bimbo habang tinuturo ang mga babaeng sinusundan ng tingin ang binata. "Bimbo tigilan mo nga yang si Seven."saway ni Ara bago unahan sa paglalakad ang dalawa. "Yiee si ate nagseselo---aww!"daing nito ng kutusan ito ng kapatid at hilahin ang tenga. "Ate!aray naman eh!"reklamo ng batang lalaki habang hawak ang tenga niya ng kapatid. "Hoy Seveb bilisan mo!wala ka sa fashion show para rumampa ka ng ganyan!"naiinis na sambit ng dalaga na kinapagtakhan ng binatang si Seven. Nang makitang gusot na ang mukha ng dalaga malalaki ang hakbang na lumapit ito sa magkapatid habang may mga dala dalang basket. --- Habang tinutulungan ni Seven si Ara sa pagaayos ng pwesto nila sa bayan may babaeng bigla na lang dumating na nasa mid 40s. "Ara nasaan ang mama mo?aba!yung utang niyang 1,700 hindi pa din niya nababayaran mag tatatlong buwan na yun."naiinis na bungad ng babae sa dalaga. "Pasensya na Aling Mining kapos lang po talaga kami ngay---" "Yan na lang ang palagi niyo saking sinasabi pag hindi pa talaga kayo nakabay---"napatigil sa pagsasalita ang matandang dalaga ng tumayo si Seven mula sa pagkakaupo sa ilalim ng lamesang pinagtitindahan ng dalaga ng maipasok nito ang ilang basket na walang laman. "*ehem*kailangan niyong magbayad kung hindi palalayasin ko kayo sa pwestong ito."medyo kalmadong sambit ni Aling Mining bago naglakad palayo at patingin tingin sa binatang si Seven na inaayos ang mga gulay sa mesa. "Ate."napatingin ang dalaga sa kapatid ng hilahilahin nito ang lumang saya na suot. "Mukhang type ni Aling Mining si Seven ibigay kaya natin isang gabi la---aww!"daing ng kapatid ng kaltukan ulit ito ng kapatid. "Manahimik ka ng Bimbo puro ka kalokohan."naiinis na sambit ng dalaga na kinaismid ng kapatid na lalaki bago bulong bulong na lumapit kay Seven. "Seven."napatingin si Seven ng hilahilahin ni Bimbo ang suot na lumang jeans ng binata na hiniram mula sa namayapang asawa ni Aling Lucia. "May ibubulong ako sayo."mahinang sambit ng binata na kinayuko ng binata para ilapit ang tenga sa batang lalaki. "Gusto mo ng pera?para makatulong kay ate?"tanong ng batang lalaki na kinatango tango ni Seven na kinahagikhik ng batang lalaki. "Ako bahala basta susunod ka sakin at shh ka lang kay ate."bulong ni Bimbo na kinatango ulit ni Seven na kinagiti ng malapad ng batang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD