Desiree Larrson Tinapos ko kaagad ang pag ligo. Humarap ako sa salamin atsaka ngumiti ng tipid. Akala ko malakas ka na Desiree. Ganon ka pa rin pala. Inabot ko ang twalya na iniwan ni Vivoree saakin atsaka nag tungo sa kama at nag bihis ng damit na dinala ni Drea. Pagkatapos mag ayos ay lumabas na ako at bumaba sa sala. Sa pag baba ay napatigil ako nang may makitang batang lalake na nakaupo sa sofa at nanunuod ng TV. Tumaas ang tingin nito saakin, agad ko na sya nakilala. Mata pa lamang nya na galing kay Kael at ang ilong ni Vivoree. Hindi ko tuloy mapigilan makaramdam ng inggit. Lumapit ako sa bata at naupo sa tabi nya. "Hi.." ngumiti ako. Umayos ito ng upo atsaka hinarap ako. Gusto ko matawa ng ngumiti ito, napailing iling na ngiti or let say ngisi ni Kael iyon! Nag mana sa ama.