PROLOGUE

215 Words
Prologue Talagang pinanganak na akong sawing palad. Una, natanggal na ako sa trabaho. Letching babaeng yon kasi! Pangalawa niloko ako ng boyfriend ko! Sabi niya ako lang ngunit hindi lang pala ako ang sinabihan niya. Sabi nga nila sobrang unfair ng buhay. Naniniwala ako sa kasabihang iyan dahil ako mismo ay nakaranas ng kabigoan dahil sa mga katotohanang bumabalot sa mundong ito. Pero nang makilala ko si Mathew, nagbago ang lahat sa akin.  I met him in a ONE NIGHT STAND pero ang buong akala ko ay hanggang ganoon lang iyon! Ang buong akala ko ay magiging katulad ng mga pelikula o nobela ang buhay ko na kapag may naka-one night stand ka ay mabubuntis ka, pananagutan ka o hindi kaya magiging maginhawa ang iyong buhay! Ngunit itong sa akin? ... oo aaminin kong kalog ako paminsan-minsan at padalos-dalos pero kung magmahal ako ay kaya kong isakripisyo ang lahat. Lalo pa't ang buhay ko mula nang makilala ko si Mathew ay nag-iba.  Kahit anong katotohanan pa iyong nababalot sa kanya o sa akin. Kahit ano pang misteryo at karahasan ang pinagdaanan ay nagawa naming lusutan ang lahat. NGUNIT! Sabi nga nila, hindi lahat ng relasyon ay nagwawakas ng masaya pero sabi lang nila iyon, ha! Putcha! Hindi naman yata ako papayag! Buhay ko na ang aking isinugal, susuko pa ba ako?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD