C-2: Raketerang Dalaga Si Em

1156 Words
"Bakit walang ulam?" Tinig ng Ina ni Em na galing sa labas. Ibinagsak nito ang takip ng kaserola at inihagis ang plato na kanina ay hawak niya. Gumawa iyon nang ingay dahilan upang magising ang mga tao sa loob ng bahay. Inis na bumangon ang pangalawang anak nitong dalaga at lumabas ng kwarto. "Ano na naman iyan Inay? Madaling araw pa lang ah nagngangawa ka na naman!" Inis na sabi ng dalaga. "Hoy, Em! Bakit walang ulam ha? Nabalitaan ko paldo- paldo ka kahapon!" Asik na sagot ng Inay ni Em. Tumaas naman ang isang kilay ni Em sa sinabi ng kanyang Ina. "Saan niyo nakuha ang balitang paldo ako kahapon?" tanong niya. "Aba, Em maliit lang itong barangay natin wala kang maililihim." Pandidilat naman ng Inay ng dalaga. Si Em naman ang nandilat. "Gusto niyong makita ang paldo ko kahapon? Habulin niyo doon sa tindahan sa haba ng utang niyo. Sa Bumbay na pabalik- balik dito para singilin kayo at sa bayarin nina Ingkit at Ruru!" Aniya. Nanalo kasi si Ema kahapon ng huweteng katunayan last na niyang pera iyon. Pikit mata nga niyang itinaya ang kanyang singkwenta pesos at may napanaginipan siyang numero. "Aba at napakabastos mo ah!" Asik ng Ginang. "Nakakainis kayo Inay palagi araw -araw naisip ko ng lumayas dito kaya lang naisip ko sina Ingkit at Ruru. Hindi bale kay Ate Wie kasi malapit na siyang ikasal." Tahasang wika ni Em. "Eh 'di lumayas kang bastos ka!" Singhal ni Aling Mira. "Galing kayo sa sugalan pagkatapos maghahanap kayo ng ulam? Sino ang hindi mag- iinit ng ulo niyan tapos madaling araw ka pang magwawala?" Sabi pa ni Em. "Hinayupak kang bastos ka!" Asik ni Aling Mira at akma na niyang sasampalin si Em subalit biglang lumabas ng isa pang kwarto ang Tatay ni Em. "Tama na 'yan Mira! Lagi ka na lang ganyan sino ang hindi mananawa sa'yo?" sabat ni Mang Emong. Si Mang Emong na isang mangingisda at bihirang umuwi dahil malayo ang napupuntahan nilang dagat minsan . "At nakauwi na pala ang magaling niyong Ama. Kinukwestyon niyo ang pagiging sugarol ko? Kung manalo ako o 'di kayo din ang makikinabang ha?" Talak ni Aling Mira. Napaismid naman si Em. "Kailan ka pa naman nanalo?" Aniya sabay halukipkip. Matagal ng ganoon sila ng kanyang Inay hindi sa wala itong respeto kung hindi sinasabi niya lang naman ang totoo. "Tingnan mo ang napakabastos mong anak palagi akong sinasagot- sagot! Akala mo may ipinagmamalaki siya hmmp!" Sabi ni Aling Mira sabay irap kay Em. "Tama na ano ka ba? Tulog pa ang mga anak mong iba may pasok sila hindi ka ba nahihiya?" Awat naman ni Mang Emong. "Ito kasing bastos mong anak!" Giit pa ni Aling Mira . "Sisishin mo ang sarili mo kung bakit ganyan ang trato sa'yo ni Em." Walang pakundangang sabi ni Mang Emong sa asawa nito saka ito bumalik sa kwarto. Nagsukatan naman nang tinginan ang mag- inang Em at Mira. Kapagkuwan ay padabog na tinalikuran ni Aling Mira si Em. Bumuntonghininga naman si Em at bumalik na din ito sa kanyang higaan hindi na niya inalintana ang pag- alis ng kanyang Inay. Alam naman niyang sa likod lang ng kanilang bahay ito nagpunta sa may duyan. Para doon ito magpalamig ng ulo dahil sa kanilang sagutan na naman. Palagi silang ganoon magmula pa yata noong nagka- isip si Em. Dahil mas malawak at mas matured kung mag- isip si Em kaysa sa Ina nito bagay na ikinagagalit ni Aling Mira. Kinabukasan. Maaga pa ring gumising si Em kahit pa konti na lang ang naging tulog nito gawa ng kanyang Inay. Ganoon din si Mang Emong na papalaot na naman at baka ilang araw na naman ito sa dagat. Katunayan ay may ulam pa sila kagabi na natira sinadya lang na itinago ni Em para sa kanilang umagahan. Hindi bale ang kanyang Inay nakakakuha ito sa karinderya ni Aling Susan ano mang oras na gustuhin nito. Binigyan lang ni Em ng parusa ang kanyang Inay kagabi dahil sa inis niya dito. "Ikaw na muna ang bahala kina Ruru at Ingkit Em," bilin ni Mang Emong kay Em bago ito umalis. "Opo mag- iingat kayo," sagot ni Em at inihatid niya nang tanaw ang papalayong ama nito. Inasikaso naman ni Em sina Ruru at Ingkit pagkatao ay inihatid na niya ang dalawa sa sakayan ng tricycle. Bumalik ang dalaga sa kanilang bahay at naglinis saka nagbihis na para magtinda sa palengke. Bago ito umalis ay sinilip niya ang kanyang Inay na nakahiga sa may duyan sa likod ng bahay nila. "May ulam doon in case magutom ka mahal na hara," wika ni Em at tumalikod na ito. "Hindi na nakakahiya sa'yo!" Pagmamatigas ni Aling Mira. Nag- kibit balikat naman si Em alam naman ng dalaga na hindi makakatiis ang Inay nito na huwag kainin ang nasa mesa nila. "Bakit busangot ang mukha mo? Sayang ang ganda mo pa naman," panunudyo agad ni Claudia sa kaibigan niyang si Em. Si Claudia ang may-ari ng stall na pinagtitidahan ni Em ng mga gulay. Buwanan kunh maghulog si Em ng renta sa stall at dahila magkaibigan ang dalawa ay may discount si Em. Minana pa kasi ni Claudia sa mga magulang nito ang pagpapa-renta ng mga stall sa kanilang bayan. At kahit na si Claudia ang may-ari sa ibang stall ay nagtitinda din ito doon ng mga damit at iba pang gamit. Magkatabi lang ang stall ng dalawa kung kaya't may time silang mag- tsikahan. "Alam mo na ang dahilan Clau," sagot ni Em. "Naku, wala namang pinagbago ang Inay mo mabuti nga laging wala ang iyong Itay." Turan ni Claudia. Bumuntonghininga naman si Em. "Alam mo iniisip ko na talagang mag- abroad o kaya lumuwas ng Manila baka sakaling makakita ako nang mas magandang pagkakakitaan." Ani ng dalaga. "Magulo ang Manila saka maraming tukso doon baka ikaw ay maligaw." Sabi naman ni Claudia. "Kahit na kung doon naman ang maganda kong kapalaran."giit ni Em. "At saan ka naman titira aber?" tanong ni Claudia . "Magrenta ng bahay," Napaikot naman ni Claudia ang mga mata nito. "Magastos pa doon, 'di wala ring matitira sa sahod mo mabuti sana kung college graduate ka." Sermon nito. Muling bumuntonghininga si Em. "Kaya nga eh! Siguro hanggang dito na lang talaga ako." Aniya. "Sus! Ang sipag mo kayang tao hindi magtatagal yayaman ka niyan." Pampalakas naman ni Claudia sa loob ni Em. Nginitian ni Em si Claudia. "Salamat palagi kang nandiyan para sa akin," wika nito. "Magkaibigan tayong dalawa kaya lagi tayong magdamayan." Sagot ni Claudia. "Ang bait mo," "Mas mabait ka kaya! Ang dami mong kayang gawin na hindi ko kaya," masayang tugon ni Claudia. Nagkatawanan ang magkaibigan pagkatapos ay kanya-kanya na silang pumasok sa kani-kanilang stall para magtinda na. Bale ang puhunan doon ni Em ay utang pa niya kay Claudia at inuunti- unti niya itong binabayaran sa dalaga. Kaya naman mas pinagbuti ni Em na palaguin ang puhunang hiniram nito kay Claudia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD