HEAVEN IN HELL KABANATA ISA

2341 Words
"Can I open the window, Father?" Mula sa front seat ay nilingon nang Daddy ang Mommy na katabi ko sa backseat upang kumuha ng permiso sa aking tanong. Napatingin ako sa driver na nakaabang na ang ngiti sa akin sa rearview mirror. Mr. Taylor, our driver, is one of the local people here in London. While my parents and I are from the Philippines. Kahit ganoon at kahit hindi nila kami kalahi ay mababait ang lahat ng tao rito sa amin. Especially the people of my parents. Could it be because we are rich? We owns countless hotels and restaurants here. Or could it be because we are kind to them? It's possibly because I always smile and say hi to them! This place is reliable and reasonably clean. I can get in anywhere in London. We often go to St. Paul's Cathedral and the various churches here to pray. We went to Rome, Paris, and wander almost all places of United Kingdom. There's plenty of green spaces, parks that almost feels like you've entered countryside. This place is magical and beautiful but there's something deep inside me that don't want to just stay here. We live here but I feel we're not belong here. Dito ako ipinanganak at dito na rin lumaki. Iba ang salita namin sa tuwing kausap ang mga taong nakatira rito. Tuwing nasa loob naman ng bahay at kami kami lang ay tagalog nila akong kinakausap. Mas nagustuhan ko ang salitang tagalog kaysa banyaga. Mas gusto ko ang sinigang at iba pang mga Filipino dishes kaysa sa mga pagkain na narito. I love the life in the big city but for sure I have something to look for in this place that I cannot see and figure out. Pakiramdam ko, narito ang katawan ko subalit wala ang puso ko. Na wala ako dapat dito at nasa Pilipinas ako. Kaya nangako sila na sa ika-walong kaarawan ko ay dadalhin nila ako roon. Basta raw magpakabait ako. They teach me to be nice to others because it doesn't cost anything and because they know I am a good person. That I should be the angel even if all the others were devils and demons. Pitong taon na ako subalit mula nang magkaisip ako ay iyon na ang kinalakihan ko. Na kapag mabuti ka sa kapwa mo, doble ang ibabalik nilang kabutihan sayo. Na tatatak sa tao kapag gumawa ka ng masama. Kaya't kapag gumawa ka ng mabuti, hindi na rin nila iyon makakalimutan. Of course, I always choose to be good. I don't like to be looked bad to anyone. I don't like to say unkind things to anyone. Sino ba naman ang tao na gustong maging masama ang tingin sa kanya ng iba? Hanggang ngayon hindi ko alam kung totoo ang itinaga sa isipan ko ng mga magulang ko o sinabi lang nila sa akin iyon para lumaki akong mabait at palaging gumagawa ng mabuti sa kapwa ko. However, I want to be kind so that's what i'll do whether they tell me to do that or not. "But it's cold, Heaven. It's winter. It's snowing outside," it was a sweet voice of my mother. She had long black silky hair and a very dark brown eyes. Mapula ang mga labi niya at maliit na matangos ang ilong. Kamukha ko siya at maraming pumupuna na pinagbiyak ang mukha naming dalawa. She's pure Pilipina and my father is pure Pilipino. I am their only child. Nagbaba ako ng tingin sa suot kong makapal na kulay pink na winter jacket at sa kamay ko na nakasuot ng makapal na vicuña wool. Sinulyapan ko ang nagsisimula nang mangulay puti na mga building na nadaraanan namin bago nag angat ng tingin sa aking ina. "I'm fine. You know the cold will never bother me, Mother. Can I? Please?" "Just for five minutes, Heaven, then immediately close back the window." I smiled. "Thanks, Mother!" I looked out of the window and engaged my left hand in catching snows. Bumabagsak iyon sa kamay ko ngunit mabilis ring natutunaw. Para itong hangin na dumampi lang at lumagpas rin kaagad. Nang lumipas ang limang minuto'y sinaway na ako ni Mommy. Kaagad kong isinara ang bintana at hinarap siya. "Wala po bang snow sa Pilipinas?" Sabik ang naging paraan ng pagtatanong ko. Gusto kong malaman ang lahat sa lugar na iyon. Lumabi siya at nangingiti nang marinig ang pananabik ko. "Wala, Heaven." "Hmm... Is it always sunny there, Mother? I can imagine a hot sun and blue sky in that place! Marami po bang puno roon? Mayroong bundok?" Pagilid niya akong pinagmasdan. Hindi ko lubusang mabasa ang nasa mata niya. Masaya ba siya o malungkot? Napansin ko rin na nagkakatinginan sila ni Daddy sa rearview mirror. "Oo. May mga puno at bundok. Ibang iba roon, Heaven. Mainit doon. I am not you but if I'm in your shoes, I will just stay here and not think about the Philippines." I knew it! She's trying to discourage me again! Bakit kaya ayaw nila na manirahan kami roon? Marami silang tauhan rito at kahit iwan ang mga negosyo nila'y magpapatuloy pa rin ang paglago. "But I think I will like the sunny day very much! I want to see their mountains and trees! I want to get to know the people who live there! I want to make friends with the kids! I can't wait to be eight years old, Mother!" Naiiling siyang nangiti ngunit alam kong hindi lubusang natutuwa. Tinuruan nila ako ng salita na tagalog pero hindi nila gusto na magustuhan ko ang lugar na iyon. Sa kaarawan ko, tatlong araw lamang daw kaming mamamalagi roon at pagkatapos ay babalik muli rito kaagad. Sa kagustuhan kong makita ang bansang iyon, pumayag ako na masilayan iyon kahit sa maikling panahon lang. Kahit tatlong araw lang ayos na sa akin. Napangiti ako at sinundan ng tingin ang galaw ng wiper na taas baba upang linisin ang mga snow na bumabagsak sa harapan na salamin ng sasakyan. Naging mabilis ang mga araw. Hanggang sa dumating ang araw ng pagpunta namin sa Pilipinas. They are whispering as we walk into the private plane. Mukha silang hindi mapakali at maraming pinapa-check sa mga tauhan na bitbit nila sa plane. "Calm down, Honey. They are not here. Matagal na iyon at baka nga hindi na nila tayo natatandaan." "I heard their sons are more ruthless..." Hinubad ko ang aking backpack at ipinasok doon ang paborito kong manika. Mahaba ang biyahe kaya't kinailangan kong makatulog upang magkaroon ng lakas kinabukasan. Hindi na ako nakinig sa pinag uusapan nila. Mas nanaig sa akin ang kagustuhan na makapagpahinga upang magkaroon ng maraming lakas sa oras na lumapag na ang sinasakyan namin sa Pilipinas. I smiled as I closed my eyes, carrying the thought that something good will gonna happen when we set foot in the Philippines. Subalit masiyado pa akong bata at walang alam kaya't nagkamali ako. Dahil ang dapat na saya ay nauwi sa isang trahedya pagkaapak na pagkaapak ng mga paa namin sa lugar na iyon. "Oh, poor little girl! She suddenly moves from wealth to poverty!" "How did that happen? She's a Devecca! They are very rich! Paanong walang natira sa kanya? Kahit pambayad ng hospital bills, wala na?" "Narinig kong may matinding kaaway ang mga magulang niya! Hindi na ako magtataka na sinadya ang pagkamatay ng mga magulang ng batang ito! Maswerte na rin siya na hindi siya nasama sa pagkamatay ng magulang niya!" Gising ako ngunit pinili ko na hindi gumalaw at pinakinggan ang usapan ng mga nurses na kumuha sa gamit nang benda na pinambalot sa aking mukha. Maswerte raw ako. Maswerte bang maituturing ito? Pagkababa namin sa private plane ay mayroon sumundo sa aming sasakyan. Sa mga naunang minuto ay masaya pa akong nakatanaw sa bintana. Nakita ko pa ang ngiti sa mga labi nila bago sumabog ang sasakyan na ikinasawi nilang dalawa. Kapwa sila nakapikit. Hindi ko alam kung buhay pa ba sila dahil sa dugong nasa kanilang katawan. Yakap ang maliit kong backpack ay umiiyak ako at nanghihingi ng saklolo sa mga taong nagkakagulo sa labas ng nasusunog na sasakyan. Nahihirapan na akong makahinga. Huli kong naramdaman ay ang paghawak ng kung sino sa aking braso bago ako tuluyang mawalan ng malay. "She's too young to grieve." "It's best to stay with her and not say anything." Narinig kong bulungan pagkatapos kong malaman na hindi na nagawang mailabas ang mga magulang ko sa sasakyan. Tahimik akong nakaupo habang pinapalitan ng doctor ang bendang nasa aking mukha. Nailabas ako bago tuluyang sumabog ang sinasakyan namin. Sa kabila no'n ay nasunog pa rin ang ilang parte ng braso ko paakyat sa aking leeg at kalahating mukha. Pagkalabas sa hospital ay tahimik pa rin ako at walang imik. Hindi ko magawang magsalita. Hindi ko magawang umiyak. Tulala lang ako at gulat pa sa lahat. Kahit pinagtatawanan at binabato ako ng mga batang kasama ko sa pinagdalhan sa akin na ampunan ay hindi ako nagrereklamo at hindi gumagalaw. Nakayuko lang ako at mahigpit ang yakap sa manika na tila ba may aagaw dito sa akin palayo. They call me a monster as if they know what happened. As if they knew the truth behind my scary scars. I want to make friends with them but they think I am bad and creepy. "I'm sorry for your loss and it's okay to cry, Miss Devecca," titig na titig ako sa magandang babae na nasa aking harapan. Ang nasa harapan ko ay ang nagpakilala na psychologist. Nasa akin ang buong atensyon niya. Nakatitig lang ako sa kanya at walang ipinapakita na kahit anong emosyon. Bakit gustong gusto nila akong kinakausap? Hindi ba sila natatakot sa itsura ko? Gumaling na ang sugat sa aking mukha at peklat na lamang ang natira. Ngunit ang sugat sa loob ko, hindi pa naghihilom. Hindi ito kayang mabendahan. Hindi kayang gamutin ng kahit anong gamot nila. Maybe they are right after all. I am traumatized. I feel alone, sad, and guilty. They are right to call me monster because I killed my own parents. I am to blame for what happened to them. I killed them. "May umampon na kay Bea! Bukas 'yung aampon naman sa akin ang darating! Sayo walang kukuha dahil panget ka!" "Maiiwan siya rito! Dito na siya tatanda kasi walang gustong maging pamilya siya!" "Ang sabi nila siya raw ang pumatay sa magulang niya!" "Baka kapag may umampon sa kanya patayin niya rin!" "Nakakatakot siya! Huwag na tayong lalapit sa kanya!" Sinabayan ng tawanan iyon ng mga bata. Naramdaman ko pa na tumama sa aking pisngi ang malagkit na kinakain ng isa sa kanila. Naipon lang sa gilid ng mga mata ko ang aking luha pero hindi iyon bumabagsak. Pagkatapos ng ginawa ko wala akong karapatan na umiyak. Nasasaktan ako dahil tama sila. Panget ako at ito ang naging parusa sa ginawa ko. Ang lahat ng mabubuti ay mapapabuti. Ganoon rin na ang lahat ng masama ay pinaparusahan, katulad ko. Hindi ko na mabilang kung ilang linggo o buwan akong narito. Nawawalan na rin ako ng pag asa. Na maiiwan nga ako rito 'tulad ng sinabi ng mga bata. Wala na sila at panibagong mga bata na ang narito. Naiwan ulit ako. Walang may gusto sa akin dahil sunog ang kalahati ng mukha ko. Masulyapan pa lang ako, pinandidirihan na ako. "Talaga po?!" Ito ang kauna unahang beses na nagsalita ako. Napangiti ang madre na nakausap ko. "Yes. Actually, they are here to see you..." "Gusto ko rin po silang makita!" Nagpipigil na maiyak na saad ko. Halos manginig ang boses ko sa katuwaan. Apat na buwan na pala akong narito at ngayon nga'y kasasabi niya lang na narito ang pamilya na gustong kumuha sa akin. Napatalon ako pababa sa higaan. Inabot ko ang kamay niya upang maihatid ako sa silid kung saan naroon daw ang magiging bago kong pamilya. Habang naglalakad, sinasabi niya sa akin kung sino ang madadatnan ko na naghihintay sa akin. Kinakabahan ako. Paano kung ayawan nila ako kapag nakita nila ang itsura ko? Pagkabukas sa pinto ay bumungad sa akin ang isang buong pamilya. Pumasok kami papasok at hindi ko na maialis ang tingin sa kanila. Lumuhod sa harapan ko ang lalaki at hinaplos ako sa aking buhok pagkatapos akong ipakilala ng madre sa kanila. Nakatulala ako sa maamong mukha ng lalaki na nagpakilalang kamag anak ko. Ayon sa mga madre na naghatid sa akin sa kwarto na ito ay nakakatandang kapatid siya sa ina ng Daddy ko. Katabi nito ang asawa niya at dalawang babaeng anak. Kapwa nakangiti sa akin ang mag asawa habang ang mga anak nila'y tahimik lang ako na tinitingnan. O mas maiging sabihin na pinagmamasdan nila ang sunog kong kalahating mukha. "Ako si Rubino, tito mo ako. Kapatid ako ng Daddy mo. Ito naman ang Tita Helena mo, asawa ko..." Tukoy niya sa babaeng nasa kanyang tabi. Ngumiti ang lalaki sa akin at itinuro ang mga batang halos kaedaran ko na nasa kanilang likuran. "Mga anak namin sila. Mga pinsan mo. Isa ka nang ulila ngayon, Heaven Fleur Devecca, at simula ngayon ay sa amin ka na titira." Marahan ang naging pagtango ko sa harapan nila. Kahit walong taon na gulang pa lamang, naiintindihan ko na ang nangyayari. Naiintindihan ko na ako ang dahilan kung bakit ako naulila. Kung hindi ko sila pinilit na umuwi rito, hindi sila mamamatay. Kung naging mabait lang akong anak at sinunod sila na manatili sa London, buhay pa sana sila at nakangiti ngayon sa aking harapan. Mahigpit kong niyakap ang manika na tanging naiwan sa akin na ala-ala ng mga magulang ko. Tikom ang bibig ko ngunit walang awat na nagbagsakan ang mga luha na naipon ko sa loob ng apat na buwan na pamamalagi ko rito sa ampunan. Wala na akong mga magulang. Alam ko iyon. Naiwan akong mag isa. Pero kahit ganoon, masaya ako na mali ang mga bata sa sinabi nila na wala nang pamilyang aampon sa akin. Masaya ako na kahit naging masama akong anak ay mayroon nais kumupkop sa akin na bagong pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD