Point of view - Dave Montes - "Paano mo nakilala si Raven?" narinig kong saad ni Emily. "Si Raven ang may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko, si Raven din ang asawa ni Kathleen. Ikaw, paano mo nakilala ang lalaking iyon?" Hinagis ko sa kama ang brown envelope na hawak ko. Sinundan ng tingin ng mata ni Emily ang hinagis kong envelope. Nababakas sa kanyang mga mata ang pagkalito na kanyang nararamdaman. "Sabihin mo, may kinalaman ka ba sa paghihiwalay ni Kathleen at Raven?" muli kong saad. Mariin siyang napalunok dahil sa aking sinabi. Nang gawin niya ang bagay na iyon, pakiramdam ko ay nalusaw ang lahat ng tiwala na ibinigay ko sa kaniya. "Maniwala ka, Dave. Hindi ko sinasadya, hindi rin ako sigurado kung ako nga ba ang dahilan, pero maniwala ka, pinagsisisihan ko na ito." "Alam m

