Point of view - Raven Beringer – Hinahagod ko ang aking sentido gamit ang aking daliri. Nakatitig lamang ako sa mga papeles na hawak ko sa aking mga kamay. Ramdam ko ang p*******t ng aking ulo dahil sa dami at tambak na trabahong naiwan ko rito sa opisina. Halos ilang araw din kasi akong nawala, kaya nang muli akong dumating dito. Marami na ang kailangan kong trabahuhin. Ininom ko ang mainit na kape na nakapatong sa kanang bahagi ng aking lamesa upang ma-relaxang aking isip kahit kaunti, saka ako bumuntong hininga at bumalik sa pagbabasa. Nakatutuwa rin naman akong makita ang report ng accounting department at ang stocks record na nilagay sa lamesa ko. Masasabi kong muling bumangon ang kompanya na ito. Nagsagawa rin kami ng mass hiring para sa mga bagong empleyado. At napu

