Point of view - Kathleen Vergara – Tila nag-aalab na apoy ang nadarama kong init ngayon sa aking paligid. Pakiramdam ko ay kahit anong oras, sasabog na sa galit ang lalaking nakaupo ngayon sa higaan dito sa loob ng aming kwarto. Alam ko naman na masiyadong biglaan ang bagay na ito, pero anong magagawa ko? Nais ni mommy na makilala na siya, makilala ang lalaking bumihag kuno sa aking puso. "Alam mo bang may mga plano rin ako ngayon?" saad ni Raven habang nagbabato ng matatalas na tingin sa aking mukha. Ngayon lang ako nakaramdam ng matinding takot sa tanang buhay ko. At hindi ko akalain na sa lalaking ito pa ako makararamdam ng ganoon. Nakatayo ako ngayon 'di kalayuan sa kanyang kinauupuan. Pinipiga-piga ko ang aking kaliwang daliri gamit ang aking kanang kamay na tila