Point of view - Raven Beringer - "Napag-alaman ng council na may nilabag ka raw sa kontrata?" saad ni Sir Jc na ngayon ay kinukusot ang mata dahil mukhang galing siya sa mahimbing na tulog. "Sa tingin ko ay wala naman," tugon ko. "Are you sure? Kahit isalang ka namin sa lie detector test ay hindi ka papalya?" Mariin akong napalunok nang banggitin niya ang bagay na iyon. Wala naman akong ideya kung ano ang tinutukoy niya, ngunit tila may isang bagay ang sumasagi sa aking isip — ang pag-iibigan namin ni Kathleen. "I guess you already know the consequence of your actions, Mr. Beringer." Sa hindi kalayuan, dumating si council Sean na ngayon ay patungo sa aming direksyon at umupo sa upuan na nasa harap ng aming lamesa. "So, anong plano mo?" dugtong niya sa kanyang sinasabi. "Paano nyo na

