Point of view - Kathleen Vergara - Nagkapirapiraso ang aking puso nang muling masaksihan ang isang bagay na hindi ko inaakalang mangyayaring muli. Ang sakit na matagal ko nang nakalimutan ay muli kong naramdaman, ngunit triple ang sakit sa aking puso ngayon kaysa noon. Nakatulala lang ako at tila pinako ang aking katawan habang nakatitig sa dalawang naghahalikan. Nagsimulang manlabo ng aking mga mata dahil sa luha. Nais kong ibukas ang aking labi upang tawagin ang pangalan ni Raven, ngunit kahit isang manipis na hangin ay walang lumalabas. Hanggang sa makita ko ang paghiwalay ng labi nila sa isa't isa at doon ako nagkaroon ng lakas ng loob upang magsalita. "Raven," mahina kong bulong ngunit alam kong sapat lang upang marinig niya. Nakita ko naman ang panlalaki ng mata ni Raven nang

