Chapter 31

1122 Words

Point of view - Kathleen Vergara - Matapos ang pag-uusap namin ni Dave, naisipan kong dumaan sa condo ni Raven upang sana ay makausap man lang siya. Ngunit nang ako ay dumating doon, agad akong pinigilan ng receptionist dahil ang unit daw ni Raven ay matagal nang bakante. Ang sabi ng receptionist ay binenta raw ito ni Raven at wala silang ideya kung nasaan na siya. Sinubukan kong humingi ng paalam sa manager ng condo kung maaari kong makita ang unit ni Raven kahit sandali lang. Mabuti na lang at pinayagan nila ako, ngunit sinamahan ako ng isang staff. Sa labas pa lang ng pintuan ng kanyang unit, nararamdaman ko na ang mabilis na pagbigat ng aking balikat. Bakit? Bakit kinailangan pa niyang umalis? Bakit kailangan pa niyang umiwas sa akin? Sa pagbukas ng pinto, marahan kong hinakbang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD