BLOOD 69 ISA-ISA niyang nilabas ang laman ng kulay itim na bag, mga bote na naglalaman ng may kakaibang kulay na likido at isang makapal na libro na may kulay brown na pabalat. Walang pamagat ang aklat na yun, isa-isa niyang binuklat ang kakaibang pahina, hindi na niya namalayan na napa upo na siya sa harap ng study table, binabasa ang mga iilang detalyeng na andoon. Makukulay ang naka sulat sa libring yun at may mga naka guhit na bote na may kakaibang kulay na halos nakikita rin niyang boteng may likido sa harap niya. Pinag aralan niya ang bawat likidong naka paloob sa aklat at ano ang mga kapangyarehan o kaya'y maitutulong sa bagay na kailangan mong pag-gamitan. Halos lahat ay mga pang laban sa mga immortal kaya kailangan niyang mag ingat, mabait man o hindi, lahat damay. Hindi na ni