Awaken 10

1445 Words
AWAKEN 10 BUONG mag hapon na nasa loob lamang ng silid si Camille, paminsan minsan ay tatayu, palakad lakad sa paligid ng silid, pagmamasdan ang mga gamit sa loob ng silid kong na saan siya at minsan titingin sa labas ng bintana na hindi man lang niya sinubukang buksan dahil sa natatakot na baka may hindi magandang mangyare. Nasa ibang mundo siya, wala siya sa normal na mundong kinalikahan niya. Pinag mamasdan lang niya ang kisame animoy may hinahanap na pwedeng makita doon habang nag iisip sa mga bagay-bagay. Kong anu na ba ang nangyayare sa labas, kong kumakain pa ba ng maayus ang mga kapatid niya, nag titinda pa ba ang mga magulang niya ng gulay at higit sa lahat miss na miss na niya si Dale. "Nakaka inis, paanu ako makaka alis dito? Bwisit kaseng Eulexis na yan. Bwisit ka talaga! Whaaaa! Ahhhhh!" Sabay sabunot niya sa kanyang buhok at napa upo siya sa kama. "Wala naman akong magagawa, ni bawal pa nga akong lumabas dito sa silid na ito. Kailan ba ako makaka alis dito?" Tanung niya sa kanyang sarili, "baliw na ata ako," napa sulyap naman ang dalaga nang may kumatok sa pinto. "Pasok po," saka naman pumasok ang ina ni Eulexis. Ngitian siya nito ng napaka tamis, "kumusta kana?" May dala itong tray ng mga pagkain at saka nilapag sa isang bilog na lamesa. Napa sulyap naman si Camille sa mga pagkaing dala at hindi niya maiwasang hindi mahiya. Sa loob ng ilang oras hindi niya sigurong namalayan na hapon na pala, ngayun lang niya na pansin dahil sa mga pang meryendang kainin sa tray. "Ayus naman po ako," umupo si Eunice sa mahabng sofa katapat ng bilog na lamesang pinag lagyan nito ng tray. Kaya umupo rin si Camille sa tapat din ng lamesang bilog. Hindi maalis ang ngiti ni Eunice kaya pakiramdam ni Camille mabait talaga ang mga ito, "nalaman ko na iinis ka paren kay Eulexis." "Po?" "Sinabe kase sa akin ni Sid na hindi mo raw tinanggap yung pagkain nang si Eulexis ang nag dala pero nung si Kaden naman ang nag bigay saka muna man kinuha." Hindi maiwasang maguilty ni Camille sa ginawa niya kanina, "sa totoo lang hindi talaga si Eulexis ang maghahatid nun dahil alam kong na iinis ka sa kanya at pag na iinis ka ayaw mong makita ang taong yun. Pero gusto lang maka bawi ng anak ko sa ginawa niya, alam mo kahit na immortal kami nagkakamali rin kami sa mga bagay-bagay nang parang katulad sa mga mortal at minsan nagiging padalos-dalos din. Hindi naman kita kinaka usap na kalimutan muna yung ginawa ng anak ko o patawarin muna siya. Nasa sayu na yun kong handa kanang mag patawad sa kabaliwang ginawa niya." 'Napaka understanding niyang ina,' sa isip-isip ni Camille. Hindi nag salita ang dalaga at nag pa tuloy lang sa pagpapaliwanag si Eunice. "Pwede ka nang sumabay sa amin mamayang hapunan, sinabe ko na sa lahat ng nakatira dito na may bago kaming bisita pero hindi paren nila alam na ikaw ang mortal. Kong na bored ka dito sa loob ng kwarto mo pwede ka naman lumibot sa buong mansyon at pwede ka ring lumabas para naman mahanginan ka." "Hindi po ba delikado yun?" Pag aalala ni Camille sa pwedeng mangyare lalo na kong lalabas siya. "May mga pagitang bayan bawat mansyon na meron dito, marami ding bantay sa loob at labas ng mansyon. Hindi naman nila alam na ikaw ang mortal na hinahanap at saka mas mangingibabaw ang amoy namin kesa sayu na nag iisa lamang." "Ganun po ba?" Sabay ngiti ni Camille. "Oo naman, hindi naming hahayaang masaktan ka basta hindi ka lalabas sa gate ng mansyon. Mas delikado sayu sa labas ng mansyon kong magpapa gala-gala ka doon, total si Eulexis ang may kasalanan kong bakit ka na andito mas maganda kong siya ang palagi mong kasama." Ilang oras pang nakipag kwentuhan si Camille kay Eunice, marami siyang natutunan at nalaman. Nalaman din niya ang buong kwento ng buhay ng babaeng ka harap niya bago siya tuluyang nag ka roon ng sariling pamilya, manghang mangha siya. Para sa kanya para itong mala-fairy tale na kwento, na minsan din ay pinangarap niya. Pero alam naman niyang mag kakaiba ang mga tao o nilalang sa mundo, hindi pwedeng mag kakatulad ang mga kwento ng bawat isa.   Ilang minuto na lang ang hinihintay ni Camille at maghahapunan niya. Kinakabahan din siya dahil sa labas ng pinto ng kwarto niya at alam niyang marami siyang makaka harap na immortal. "Mabait naman siguro sila, mukhang si Eulexis lang naman ang palpak dito sa pamilya nila." Sandali siyang natigilan at nagtataka kong bakit palaging nasa isip niya si Eulexis nang magising siya. "Bwisit," bulalas niya at napa sulyap siya sa pinto nang may kumatok. Bago papasukin ang kumatok sa pinto ay agad siyang kumuhu ng unan sa kama at inihanda niyang ibato. Alam na niya kong sinu ang susundo sa kanya dahil nag kaintindindihan na sila ng ina nito, si Eulexis. "Pasok," pag bukas ng pinto, saktong pag pasok ng binata at agad na hinagis ang unan na hawak niya sa mukha ng binata. "Ganyan ka ba mag welcome sa akin, Cali?" Napa ngiwi siya sa mga iba't ibang tawag sa kanya ng binata na nag uumpusa naman sa letrang 'C'. "Oo, sayu lang naman," pag seseryoso niya. "Grabe ka sa akin, akala ko ba ayus na tayu?" "Kailan pa, wala pa akong sinasabeng ayus na tayu matapos ng pag dala mo sa akin dito. Saka teka lang ang pangalan ko ay Camille." "Anu naman kong Camille ang pangalan mo?" Ngayun naman ay bigla naman nagiging masungit naman ito habang tumatagal. "Bakit ka ba na andito?" Saka kumuha uli ng unan sa kama. "Pina pa sundo ka na ni mama, sumabay ka daw sa amin kumain. Halika na, na gugutom na ako." Binitawan naman ni Camille ang hawak niyang unan saka siya sumunod sa binata. Hindi niya maiwasang hindi mamangha pagmakikita niya ang hagdan, pasilyo at ang malilinis na carpet sa sahig. Bumaba sila sa kanang bahagi ng hagdan at dumiretso sa kanang pinto sa tapat nito. Pumasok sila doon at doon niya tuluyang nakita ang isang mahabang lamesa, may mga naka upo na sa mga upuang naka harap doon at dalawang upuan na lamang ang natitira. Agad na umupo si Eulexis at si Camille, ang lalayu ng agwat ng mga upuan. May mga naka hain nang pagkain sa lamesa ngunit puro ito hilaw na karne, gulay at mga matatamis na pagkain. 'Hindi ako japanese para kumain ng hilaw, wala naman akong sweet tooth para sa mga matatamis at mas lalong hindi ko hilig ang gulay,' sa isip-isip niya. "Siya ba yung sinasabe mong bisita, mama." Napa sulyap naman si Camille sa dalagang kaseng edad lang niya sa kanang bahagi at katbi nito ang isa pang babaeng sa tingin niya ay kaseng edad din niya. May kulot itong buhok katulad kay Eunice at mga bilugang mata. Isa-isa niya pinag masdan ang mga mukha ng mga naka tingin sa kanya, hindi niya maiwasang hindi manliit sa sarili sa mga magagandang damit na suot nito at mga makikinis nitong balat ngunit mapuputla. "Maalala ko lang, Camille pwede ka bang tumayo." Kahit na nahihiya ay agad naman na sumunod si Camille at titig na titig ang mga mata sa kanya. Hindi niya maiwasang kabahan sa mga oras na yun. "Camille ito pala ang buong pamilya namin, ang Otis clan." "Hello," nahihiya niyang bati sa mga ito. Nakita niya ang kambal na si Sid at Kaden. "Dito na muna siya lalagi sa maigsing panahon, sana maging mabait kayu sa kanya." Wika ni Eunice saka naman bumalik sa pagkaka upo ang dalaga. "Saang angkan siya galing?" Tanung ni Lexi ang dalagang nasa gawing kanan ni Camille. "Taga White clan siya," nag katinginan silang lahat kay Kaden sa sinagot nito. "Pa kitang gilas naman ang isang ito," bulong naman ni Eulexis na hindi naman pinansin ni Camille. "Wow, Tina ka bilang siya sa angkan  ng boyfriend mo." Saad ni Lexi habang hinahatak ang braso ni Tina. "Oo, alam ko narinig ko pa nga." Sarkastikong saad ni Tina. Humarap muli si Lexi kay Camille na hindi paren makapag salita, wala siyang maintindihan sa nangyayare. "Kumusta naman si Jonas?" Tanung muli ni Lexi. Hindi alam ni Camille kong anung isasagot niya, "sinu---" Bago pa man maituloy ni Camille ang kanyang sasabihin ay bigla namang nag salita si Eulexis, "nagugutom na kami, mamaya kana mag tanung Lexi." "Isa na lang kuya, Camille sinu ba ang pinunta mo dito?" "Ako," sabay na sagot ni Kaden at Eulexis. Nag ka tinginan ang dalawa at takang taka naman ang mga nasa paligid nila.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD