BLOOD 45
SUMUGOD ang lalaking nasa gitna at mabilis na umilag si Kaden, naka wala siya sa palibot ng lalaki. Nilapag niya ang dalaga sa sahig na akala niya ay tulog na, agad niyang kinuha ang palaso sa likod at pinana ang dalawang susugod pa sa kanya. Agad na naglaho ang mga ito at naging abo na sumabay sa hangin. Papalapit na sana ang isa nang biglang mawala ito at nakita na lamang ni Kaden na nasa likod niya na pala ito. Agad na dinapaan si Kaden ng lalaking yun at natumba sila pareho sa sahig. Naka tayu na si Edriana na pagewang gewang sa paglalakad habang si Kaden naman ay nakikipag laban sa naka dagan sa kanya. Nakita niyang pinapalibutan na ng dalawa pang lalaki si Edriana.
"Kainis!" Bulalas niya at agad na tinulak ang lalaking naka dagan sa kanya. Nakipag buno siya doon gamit ang mga kamay niya, umatake ito at natamaan siya sa pisngi. Ngunit wala lang ito sa kanya hanggang sa sipain niya ito at natumba na naman ang lalaki sa sahig. Kinuha niya ang palaso, pinana sa mismong dibdib katulad ng mga nauna naglaho na naman ito at naging abo.
Nagbagong anyo ang dalawang naka palibot kay Edriana ngunit hindi alintana ng dalaga kong anung nangyayare sa kanyang paligid at patawa tawa lamang. Agad na pinana pa ni Kaden ang dalawa pang natitira at agad na nilapitan si Edriana na kamuntik na namang matumba.
Inalalayan ni Kaden ang dalaga hanggang sa maka rating sa kotse nitong four by four. "May susi ka ba ng kotse mo?"
"Nasa bulsa ko-hik," sabay ngiti ng dalaga.
"Kunin muna."
"Ok-hik," ngunit matatagalan sila sa pagkuha lang ng dalaga sa kanyang susi dahil hilong hilo na ito. Dahil sa inis ni Kaden sinandal niya ang dalaga sa kotse at siya na mismo ang kumuha sa bulsa. Binuksan niya ang kotse ni Edriana, pinasok sa loob ang dalaga at siya naman ay pumunta sa driver seat. "Driver doon lang po sa Oakwood street," saka sumandal sa passengee seat. Ang Oakwood ay malapit lang sa campus ng dalaga kaya alam ni Kaden kong saan yun lalo na't napapalibutan ito ng mga nagtataasang puno. Si Kaden na mismo ang nag drive ng kotse ni Edriana at naka rating sila pagkatapos ng kalahating oras.
Kinuha muli ni Kaden ang dalaga at saka ito binuhat sa kanyang paligid. Imbes na sa malaking pinto dumaan at doon siya mismo sa terrace kong saan may bukas na pinto. Pinasok niya ang dalaga sa silid na yun at mukhang tama ang pinag dalhan niya dahil mukhang yun ang silid ng dalaga. Hiniga niya si Edriana at nagmadaling lumabas sa silid at saka sinira mula sa labas ang pinto ng silid nang dalaga. Naka tayu paren siya doon at nakita niyang tumayo ang dalaga sa kama. Dahil madilim ng bahagya sa silid ng dalaga ay tama lang para makita kong anung gagawin nun.
Dahan-dahan inaalis ni Edriana ang damit niya dahil pag siya'y nalalasing ay palagi niyang gustong matulog na walang saplot. Nabato ang binata sa kinatatayuan niya, alam niyang nasilipan siya ng dalaga na hindi sinasadya ngunit hindi din naman niya pwedeng gawin yun sa dalaga. Napa lunok siya at saka tuluyang umalis sa terrace na yun. Hindi pa siya nakaka alis ng maisipan niyang magtagal na mun sa lugar na yun kahit isang gabe at hintayin magising ang dalaga dahil kailangan niya talagang mabawi ang palaso niya sa dalaga.
MALAMIG ang hangin na nang gising kay Edriana at naka dapa siya sa kama habang naka tago ang hubad niyang katawan sa puting kumot. Dahil naka tingin ang mukha niya sa direksyun kong saan ang pinto ng terrace niya ay bukas, sa una nagtataka siya kong bakit yun bukas ngunit pinikit na lamang niya ang mga mata at para matulog. Inayus naman niya ang pagkakahiga at dumiretso ng higa. Dumilat ulit siya at isang mukha ng binata ang naaninag niya. Pumikit muli siya dahil mukhang na alimpungatan lang siya ngunit napa isip siyang parang totoo yun.
Hanggang sa tuluyan na nga niyang dinilat ang mata at gulat na gulat siya ng makitang naka bantay sa kanya ang binatang nakita niya noon sa gubat. Napa balikwas siya ng upo, napa sandal sa headboard ng kama at inayus ang kumot niya sa katawan para walang makita. "Anung ginagawa mo dito?" Bahagya pa siyang na hihilo ngunit parang may kakaiba at wala siyang hangover. "Pinag samantalahan mo ako habang tulog noh!"
Napa sapo na lamang si Kaden sa kanyang mukha dahil sa mga pinagsasabe ng dalaga, "ang oa mo."
"Anung oa!? Kinuha mo virginity ko?"
"Anu? Wala ka bang naalala? Para kang tanga, ikaw nag hubad niyan sa sarili mo, wala akong alam sa pinag sasabe mo. Buti nga hindi ko ginawa yung pagsilip mo sa akin nung naliligo ako sa ilog."
"Huh?" Nag-init ang pisngi ni Edriana dahil pina aalala ng binata sa kanya ang ginawa niya sa gubat noon, "hindi ko naman sinasadya yun---aba teka lang! Wag mong ibahin ang usapan! Paanu ka nakarating? At saka paanu ka naka pasok? May gagawing kang masama sa akin? Isusumbong kita sa pulis kahit na gwapo ka!"
"Tandaan mo toh, hindi mo ako basta mapapahuli sa mga pulis dahil hindi ako ordinaryo. Kaya ako na andito dahil hinatid kita dahil sa hindi inaasahang pangyayare," kiniwento lahat ni Kaden ang nangyare at hindi makapaniwala si Edriana. "Kong ako sayu ibalik mo sa akin ang palaso ko."
Sandaling nag isip ang dalaga, "anung meron sa palasong yun? Yayaman ba ako? Gawa ba yun sa ginto, masyado kang atat makuha yun, sinu ka ba?"
"Ako si Kaden," pakilala ng binata at ngayun alam na ni Edriana kong anung ibig sabihin ng K ngunit ngayun pa lang siya nakarinig ng ganung pangalan. "Kong ako sayu ibalik muna sa akin ang palaso kong ayaw mong madamay sa gulo."
"Anung gulo pinag sasabe mo?"
"Hindi mo ako maiintindihan lalo na kayung mga mortal, maraming naka paligid na halimaw sa mundo ninyu lalo na dito sa lugar ninyu. Kong hindi mo maibabalik sa akin ang palaso ko palagi akong naka bantay sayu para mabawi yun, hindi ako titigil." Hindi na naghintay pa si Kaden ng kahit anu pang sasabihin si Edriana kaya agad siyang lumabas patungo sa terrace.
Nagmadaling tumayo ang dalaga habang ginawa namang jacket ang makapal at malaking kumot sa kanyang katawan. Ngunit ng lumabas din si Edriana ay wala na din si Kaden ng ganun kabilis bigla niyang naalala ang salitang 'hindi ako ordinaryo' sa isipan ng dalaga. "Bakit anu ba siya? Immortal, baliw! Sa palabas lang yun may ganun! Hindi mo ako maloloko!" Sigaw niya sa labas ng terrace.
Pagkatapos nun ay agad na naligo si Edriana at sa mga oras na yun huli na siya sa kanyang klase. Naisipan din niyang hanapin ang palaso na sinasabe ni Kaden at niya itong nakuha sa damitan niya ng mga pangaso. Binalot niya ito sa lumang dyaryo at nilagay sa bag niya. Dahil mahaba ang palaso na yun at umuusli ang dulo nito sa tela ng bag niya.