Blood 63

1806 Words
BLOOD 63 LUMALAMIG ang hangin sa buong paligid lalo na't malapit sila Edriana at Kaden sa ilog. Unang na gising si Kaden, naka tapat ang mukha niya sa direksyon niya sa ilog kaya yun ang una niyang nakita nang dumilat siya, kasabay ng naglalaglagan na parte ng Dandelion, may isang bagay naman siyang naalala kaya napa balikwas siya ng bangon. "Ed---" ngunit nawala ang pag aalala niya ng makitang natutulog lang ang dalaga habang naka sandal ang likod sa puno, naka tungo din ng bahagya ang ulo nito na halos malalalaglag. Bahagya din siyang naawa sa kalagayan ng dalaga kaya agad niyang inayus ang ulo nito, doon din niya na pansin ang sugat nito sa kanang pisngi na gawa ng palaso niya kagabe. Alam niyang na gulat lamang siya kagabe kaya niya ito nagawa, hindi naman niya gustong tamaan talaga ang dalaga. Binasa niya ang kamay sa tabing ilog at saka pinang punas ang hinlalaki sa sugat nitong natuyo. Kinapa din niya ang parteng alam niyang tinamaan sa kanya kagabe ngunit magaling na ito, kamuntik na siyang mamamatay kong di dahil lang kay Edriana. Hindi niya na papansin na naka hawak ang isang kamay niya sa pisngi ng dalaga kong saan ito may sugat, napa ngiti siya ng maalala niya yung araw na gustong magpahalik sa kanya ang dalaga sa pamamagitan ng pang aasar na bakla siya. Sa mga oras na yun, gustong gusto na niyang magpahalik kaya siya na ang gumawa ng paraan para maglapat ang kanilang labi. Walang ano'y hinalikan ni Kaden ang labi ni Edriana habang ito'y tulog paren.   DUMILAT ang mga mata ni Edriana na una niyang nakita ay ang kisame na kulay puti, alam niyang hindi yun ang kulay ng kisame ng silid niya, hindi rin gaanung malambot ang kamang hinihigaan niya, dahan-dahan siyang umupo sa kama at doon niya naramdaman ang pagbagsak ng kumot na naka patong sa kanyang katawan. Bahagya ding bukas ang pinto sa silid kong na saan siya, may mga naka sabit na palaso at pana na bilang disenyo sa mga pader na may iba't ibang uri. Ang alam niya nasa gubat siya kasama si Kaden bago siya naka tulog, pinag tataka niya kong paanu siya naka rating silid na yun. Pumasok naman si Kaden sa silid kong na saan si Edriana na bagong bihis, "magandang umaga." "Naka tulog ka ba ng maayus?" Tanung naman ni Kaden nang maka lapit ito sa dalaga at saka umupo sa tabi nito. Pinakiramdaman ni Edriana ang likod niya at batok na bahagyang nangangalay. "Ayus naman ako, masakit lang yung likod at batok ko." "Dahil siguro yan kagabe," saad ni Kaden. Sandaling katahimikan ang nabuo sa kanya at kapwa na hihiya sa isa't isa. "Ah Kaden, sorry pala. Wala talaga akong alam doon sa sinasabe mo tungkol kila papa, wala talaga ako napag sabihan ng kahit na anu." Aniya ng dalaga habang naka yuko ito at pinag lalaruan ang kumot na malapit sa kanya. "Alam ko, sorry din kase pinag hinalaan kita, may tiwala naman talaga ako sayu." "Sorry talaga," animoy maiiyak na si Edriana. "Anu ka ba? Kong inaalala mo yung mga sinabe ko sayu kagabe wag mo nang isipin, diba pag galit ang isang tao nagkakapag sabe siya ng hindi maganda lalong hindi niya gusto pag galit o na iinis siya, ibig sabihin hindi ko sinasadya." Pinag masdan muli ni Edriana ang mukha ni Kaden, "tao, oo alam ko nagagawa yun ng tao. Pero hindi ka naman tao, immortal ka kaya." Bigla namang napa kunot ang noo ni Kaden hanggang sa may pumasok sa kanyang ideya kaya napa simangot siya. "Hayyy naku, ang pilosopo mo talaga." Nag peace sign naman si Edriana sabay ngiti ng nakaka loko, "ayus ka na ba, yung likod mo ayus na ba?" "Ayus na ako, salamat pala sa tulong." Saka binigyan nang binata ng isang napaka tamis na ngiti ang dalaga na siya namang nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa ka harap niyang dalaga. Ang lakas ng t***k ng puso ni Edriana at nag iinit ang pisngi niya, hindi niya din alam kong anung iaasta niya sa mga oras na yun habang ka harap niya si Kaden. Tumayo ang binata, naglakad na ito palabas ng silid ng muling humarap si Kaden kay Edriana. "Tumayo na dyan, hindi mo gugustuhin na hindi makita ang tunay na ganda ng mundo namin, sayang naman total papunta rin naman ako sa mansyon, sumabay kana sa amin mag almusal." Saka tuluyang lumabas si Kaden sa silid, saka lang napag tanto ni Edriana na wala na pala siya sa tunay niyang mundo kong di na sa Illustra na paren pala siya. Agad siyang umalis sa kama at sumunod sa binata hanggang labas. Walang pinag bago ang gubat na nakikita niya ngayun sa gubat na nakikita niya sa mundo niya ngunit nararamdaman niyang may kakaiba sa lugar na yun. Ang malamig na simoy ng hangin, ang nagkalat na Dandelion sa hangin na animoy umuulan ng puting dahon na maliliit ang siya pang nagpaganda sa buong lugar. May mga iba't ibang bulaklak siyang nakikita, mula sa laki at kulay nito nang mag umpisa na silang maglakad. Tahimik lang silang naglalakad, hanggang sa mapansin niyang nasa gubat paren siya. "Malapit na ba tayu sa inyo, anu bang itsura sa inyo? Mababait din ba sila? O kaya malaki din ba ang bahay ninyo?" Sunod-sunod na tanung ni Edriana kay Kaden. "Medyo, maayus naman, maganda, mababait sila, tama lang." Ang maiigsing sagot ng binata sa tanung ng dalaga. "Paanu pala ako nakarating sa kama?" "Kinarga kita habang tulog ka pa, tapos nilagay kita doon." Simpleng sagog ni Kaden na sobra namang kina tuwa naman ni Edriana. Nawala naman ang ngiting yun ng huminto sila sa isang tulay na gawa sa tatlong kawayan, ang gamit naman na tali sa mga kawayan na yun para maging buo ay lupid at pati na rin ang magkabilang gilid nito na pwedeng hawakan kong tatawid, sa baba ng tulay ang napaka taas na babagsakan na ilog. Hindi maiwasang matawa si Kaden sa tabi ni Edriana lalo na sa reaksyon ng dalaga, "oh bakit ka huminto?" "Di---dito ba tayo dadaan?" Sabay lunok ni Edriana. "Oo, yan lang naman ang daanan papunta sa amin." "Huh?" Bahagyang na takot si Edriana, alam sa sarili ng dalaga na gusto niya sa mga extreme na bagay ngunit hindi niya din maiwasang matakot. "Sige mauna na ako." "Teka, teka, teka." Maglalakad na sana si Kaden ng pigilan siya ni Edriana sa pamamagitan sa paghawak nito sa laylayan ng damit. "Bakit?" Pagtataka ng binata. "Ayoko dumaan dyan, baka malaglag tayu o kaya masira yan patay tayu. Ay mali pala mamamatay ako, ikaw mabubuhay ka pa. Ibalik muna lang ako sa labas ng Illustra," halos mangiyak ngiyak na paliwanag ni Edriana. Humarap si Kaden sa dalaga kaya napa bitiw sa pagkakahawak si Edriana sa damit ng binata. "Wala ka talagang tiwala sa akin." "Huh?" Sabay tingala ni Edriana kay Kaden. "Wala kang tiwala sa akin, papayagan ko bang malaglag ka dyan o may mangyareng masama sayu habang kasama ako. Sa malamang hindi, kase habang nasa tabi mo ako walang mangyayare sayung masama, kong malaglag ka man ako sasalo sayu." Kahit papaanu nawala ang takot at kaba ni Edriana. "Anu tutuloy na ba tayu?" Tumango na lamang si Edriana bilang pag sang ayon, "sige ako ang sa likod mo habang naglalakad ka sa unahan para hindi ka matakot." "Anu? Ayoko nga ikaw na lang sa harap, ako sa likod." Pagrereklamo ni Edriana. "Bahala ka, pag ako nasa harap hindi ko makikita kong anu nangyayare sayu. Paanu na lang kong nalaglag kana pala, wala pa akong alam." Paliwanag naman ni Kaden habang naka ngiti na hindi naman na papansin ng dalaga dahil sa takot. "Oo nga noh, sige na nga." Unang tumungtong si Edrian at humawak sa magkabilang gilid na lupid sa tulay, napa pikit siya at animoy na estatwa ng bahagyang gumalaw ang tulay sa pagtungtong ni Kaden. "Easy, wag kang mag panic. Tumingin ka sa unahan, wag sa baba baka malula ka." Huminga ng malalim si Edriana, "sabe ko nga," saka niya muling pinag masdan ang unahan sa pagdilat niya. Dahan-dahan muling hinakbang ni Edriana ang mga paa ngunit ng mapa sulyap muli siya sa baba, kaya napa atras at napa yakap siya kay Kaden ng hindi inaasahan dahil sa takot. Higpit na higpit ang pagkakayakap niya na animoy ayaw nang umalis. Malakas na tawa naman ang maririnig may Kaden, animoy natutuwa pa sa nangyare habang nasa tulay paren sila at naka tayu. "NAKAKA INIS KA! AYOKO NA! AYOKO NA! BALIK NA TAYU!" Tili ng dalaga habang naka yakap si Edriana sa binata. "NAKAKA INIS KA! PINAG TATAWANAN MO PA AKO!" Halos mangiyak ngiyak na rin ang dalaga ngunit tawa paren ng tawa si Kaden. "Ok, ok. Para lang tayu maka tawid---" "Ayoko nga sabe," biglang pagputol ni Edriana sasabihin ni Kaden. "Pakinggan mo muna ako, ok. Tumungtong kana lang sa sapatos ko, yumakap kana lang sa akin at ako na lang maglalakad sa atin para maka tawid na tayu." Sandaling katahimikan ang namayani sa kanila, naka pikit paren si Edriana at ayaw idilat ang mga mata. Dahan-dahan niyang kinapa ang sapatos ni Kaden sa pamamagitan din ng paa niya, una niyang tinungtong ang kanang paa at saka ang kaliwa. "Anu, ayus na ba?" "Oo na," sabay yakap ng mahigpit ni Edriana sa binata para hindi siya malaglag. Nag umpisa nang naglakad si Kaden habang ganun sa kanya si Edriana, wala lang sa kanya ang bigat ng dalaga hanggang sa maka tawid na sila dulo at maka tapak sa lupa. "Andito na tayu," naka pikit paren si Edriana at kinapa kapa muli kong nasa lupa na sila. Agad na umalis sa pagkakayakap si Edriana ng maramadaman niya ang pantay na daanan. "Nakaka hiya ako, sorry." "Ayus lang yan," hindi na nakapag salita pa si Edriana ng hawakan ni Kaden ang kamay niya at hinila ito para makapag lakad na sila. Sa pagkakataon na yun, si Edriana ang tumahimik at hindi na ito nagtatanung ng kahit na anu. Kalahating oras ang tumagal nang matanaw nilang dalawa ang mansyon ng mga Otis. Natatanaw din nila ang mga nagkakasayahan na pamilya ng mga Otis dahil nagkaroon ng muling salo-salo sa mismong labas ng mansyon. Nag sitigil naman silang lahat ng mapansin nilang dumating si Kaden at saka isa-isang napa sulyap sa kasam nitong dalaga. Kasabay nun ang amoy mortal ng dalaga na sumasabay sa malamig na hangin, kaya lalong natahimik sila. Nahihiya si Edriana ngunit ngiti naman ang binigay ni Kaden sa mga naka tingin sa kanila. "Sinu ang kasama mo, Kaden?" Tanung ni Eunice sa kanyang anak, alam na nilang mortal ang kasama nito. "Si Edriana." Si Sid na kambal ni Kaden lamang ang naka intindi, "ang ganda pala niya." "Hi," sabay kaway naman ni Edriana sa buong pamilya ng binata. Saka naman nagkatinginan ang lahat sa bawat isa na andoon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD