Blood 59

1457 Words
BLOOD 59 DAHAN-DAHAN nagbago ang anyo ni Jill na nay kay Edriana, lumabas ang mahahaba nitong pangil at mga kuko sa kamay. Ngunit nabitawan niya si Edriana na agad naman na hinabol ang hininga at may kasama pang ubo, dahil sa gulat nang makapasok bigla si Ian sa loob dahil sa pagkakahagis ni Kaden sa binata. Agad na kumapang si Edriana palayu sa babaeng ngayun ay naka tingin kay Ian, tulala, nagtataka kong anu nga ba ang nangyayare pagkatapos ng pagpasok nila. Nang maka lapit naman si Kaden kay Ian agad niya itong dinaganan habang hindi pa ito nakaka alis sa puwesto, agad na sinakal ni Kaden si Ian habang naka dagan siya dito. "Edriana! Ang palaso!" Kinuha ni Edriana ang palaso sa bag niyang dala halos mapunit na ang kanyang bag dahil sa kaba habang binubuksan ito hanggang sa makuha na niya. Laking gulat naman ni Edriana na umiilaw ito, na animoy hindi na normal na palaso. Tumakbo papalapit si Jill sa puwesto ni Kaden para tulungan si Ian ngunit sinanggi lamang ito ng binata ng isang kamay kaya tumilapon ito sa gilid. Nagpupumiglas na ngayun si Ian hanggang sa maitulak niya si Kaden. Tumakbo naman agad si Edriana ngunit sa pagkakataon na yun naglalaban na ang dalawa, hindi na niya alam ang gagawin, litong lito, ni wala siyang pana para gamitin ito at mas lalong hindi siya marunong gumamit sa bagay na yun. Pinapanood lang niya ang dalawa na nagpapagulong gulong sa sahig at paminsan minsan ay tatayu para nag umpisa muli. Parehong malakas ang dalawa ngunit di hamak na mas maraming nakukuhang tama si Kaden. Lalo pang lumapit si Edriana, unti-unti na nagbabagong anyo si Ian. Nagpalinga linga siya sa paligid para maka gawa pa ng paraan, nakita niya ang isang na maliit na flower vase na laman ng mga magagandang bulaklak. Wala na siyang oras para tanggalan pa ng kong anung laman ang vase na yun, agad niya itong na ibato kay Ian sa mismong ulo naman ng binata tumama, hindi na tuloy ang pagbabago ni Ian at agad na humarap kay Edriana habang nang lilisik ang mga mata nito sa dalaga. Nabato sa kina tatayuan ni Edriana ang kanyang paa, pero kinuha na rin ni Kaden ang pagkakataon na yun habang tulero paren ang ibang aswang paligid. Agad na tinulak niya talaga kay Edriana si Ian, napa pikit si Edriana at bigla na lamang natigilan si Ian. Ilang segundo ang naka lipas ng walang maramdaman si Edriana hanggang sa makitang naka tusok na pala ang dibdib ng binatang si Ian sa kanyang palasong hawak, nag kulay dugo ang palasong hawak niya na nagkulay sa buong katawan nito. Nakita niya ang gulat sa mukha ng binata na halos ilang pulgada na lamang ang layu sa kanya. Nang lalaki ang mga mata nito, animoy gusto pang tanggalin ni Ian ang palasong naka tusok sa dibdib ng kanyang mga kamay ngunit hindi niya magawa. Unti-unting naging abo ang bawat parte ng katawan nito at kasabay nun ang biglang paglaho ng palasong hawak ni Edriana. Unti-unti ring naging abo ang lahat ng aswang na naka paligid sa kanila, hanggang sa walang matira at ang ibang abo naman ay nilipad ng hangin sa paligid. Wala na si Ian sa harapan ng dalaga kaya ang hinang-hinang si Kaden ang nakikita niya. Bago pa man ito matumba agad na lumapit si Edriana kay Kaden at tinulungan na umupo sa sahig. Napaka tahimik na ng paligid, pareho na silang naka hinga maluwag, hindi nila inaasahan sa ganito pala magtatapos ang lahat. Inayus ni Edriana ang legs niya para doon gawing unan kay Kaden. Taas baba ang dibdib ng binata, mababakas sa kanyang mukha ang matinding nangyare lalo na ang mga galos nitong natamo sa buong katawan. Laking pasasalamat naman ni Edriana na walang nangyareng masama sa binata at na kaya nito ang lahat. Tahimik lang sila habang pinag mamasdan ni Edriana ang maaliwalas na mukha ni Kaden, kahit papaanu hindi paren nawala ang kagwapuhan ng binata. Dahan-dahan niyang binaba ang mukha niya para mahalikan ang binata, pabilis ng pabilis ang t***k ng puso niya hanggang sa mag salita ang binata. "Anung ginagawa mo?" Napa dilat siya at agad na nilayu ang mukha sa binata. Si Kaden naman ay umupo na sa tabi niya, hiyang hiya naman ang dalaga sa mga oras na yun, animoy nagmumurang kamatis ang mukha ngayun ni Edriana. "Ah---eh---" walang maisip na dahilan ang dalaga kaya agad siyang napa kamot sa ulo at tinakpan ang mukha, gusto lang naman niya mahalikan ang napaka gandang labi ng binata ngunit nagkamali siya. Lalong na hiya si Edriana ng marinig niyang pinag tatawanan siya ng binata kaya lalo pa niyang tinago ang mukha niya sa kamay. Tumigil naman ang binata at pinag masdan ang sira-sirang damit ni Edriana. Kong di dahil kay Edriana hindi din niya makaka kaya ang lahat ng ito ng mag isa. Minsan may oras na mapag isa siya at gustong magtrabaho ng nag iisa dahil ang alam niya kaya na niya ang lahat. Ngayun lang niya napatunayan na hindi kaya ng isang nilalang na matapos ang lahat ng kailangan niyang gawin, lahat ng nilalang hindi na huhubog ng mag isa lamang. "Salamat." Dahan-dahan na inalis ni Edriana ang kamay sa mukha niya, nawala na sa kanyang pag iisip ang hiyang kanina lang ay naramdaman niya, napa titig siya kay Kaden na ngayun ay naka ngiti sa kanya kaya nahawa siya sa ngiting yun. "Wala yun, salamat din. Pero alam mo kong di dahil sa paghihi---" "Wag munang ituloy, alam kong sisisihin mo lang ang sarili mo. Pero wala namang nilalang na hindi na susugatan sa pakikipag laban, diba. Kaya ayus lang, pagnaka uwi na ako sa amin makakapag pahinga na ako." Unti-unti na lungkot ang damdamin ni Edriana kahit papaanu na kilala niya ng maayus ang binata kahit na nagkaiba sila. "Uuwi kana?" "Oo, uuwi na ako ngayung gabe sa amin." "Hindi ka ba, pupunta sa halloween party?" Tanung ni Edriana. "Ikaw ba pupunta ka?" Tanung din ang tanging na isagot ni Kaden kay Edriana. Hindi na naitago pa ng dalaga ang lungkot, dahil wala na siyang kailangan pang asahan, naging pasaway siyang mortal sa aswang na kaharap niya kaya tama na hindi pa siya magtanung ng kahit anu pa galing kay Kaden. "Hindi na siguro, total sembreak na kailangan ko nang magpahinag uuwi na sila mama, kailangan magaling na yung paa ko, kase paghindi magtataka sila kong anu nga bang nangyare sa akin habang wala sila." Saka binigyan ng ngiti ni Edriana ang binata para lang masabeng ayus lang siya. "Sabe ko sayu hindi pa matatapos ang buhay mo ngayung gabe, wala kang tiwala sa akin. Kong ako sayu mag iingat na ako sa susunod, para hindi kana madamay pa sa bagay na alam mong hindi ka dapat kasali. Mabuhay ka ng normal na para bang walang nangyare, kailangan mong maging matatag sa lahat ng bagay lalong lalo na sa pamilya mo at pagkawala ng kaibigan mo." Huminga ng malalim si Edriana at saka agad na sumunggab ng yakap kay Kaden. Bahagya pa itong napa singhal dahil natamaan ni Edriana ang isa niyang sugat sa likod ngunit nawala ito ng maramdaman niya kong anung klaseng yakap ang nararamdaman niya ngayun. Maliban sa kanyang ina at sa kapatid niyang si Lexi, ngayun pa lang siya naka yakap ng ibang babae. Animoy naghahabulan ang puso niya sa bilis ng t***k ng puso niya ng mga oras na yun. Hindi niya maintindihan kong sa pagod ba yun o kaba na baka matamaan na naman ni Edriana ang ibang sugat niya sa katawan. Yumakap na rin si Kaden kay Edriana at lalo pang hinigpitan ng dalaga ang yakap na yun. Ilang minuto lang ang pagkakayakap na yun pero animoy huminto ang oras sa pagitan nila. Si Edriana ang unang kumalas hanggang sa tumayo na siya at tinulungan na tumayo si Kaden. Binigyan muli ng ngiti ni Edriana ang binata, "sa tingin ko hanggang dito na lang tayu," tumango naman si Kaden bilang pag sang ayun, "maraming salamat sa lahat ng bagay, lalo sa pagtulong. Hindi ko makakalimutan ang araw na nagkakilala tayu at lalong lalo na ang araw na ito." Nalulungkot si Kaden ngunit hindi niya pina halata. "Mauna na siguro ako sayu, mukhang hinahanap na ako sa amin." "Mag iingat ka," sambit ni Kaden at tumango naman si Edriana. Ayaw nang magsalita pa ni Edriana dahil kong magsasalita pa siya, anumang oras pwede na siyang mapa iyak. Dahan-dahan na siyang naglakad palayu na walang iniisip ay ang pag balik ni Kaden sa Illustra, gusto niyang sumama pero iniisip niya kong anung klaseng nilalang ba siya sa buhay ni Kaden para sumama, hindi sila magkatulad para sumama pa sa binata. Doon na unti-unting tumulo ang luha niya sa pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD